(Office for Civil Rights)
Paunawa - tungkol sa mga batas laban sa diskriminasyon –
Tagalog - Fact Sheets & Brochures - Health Information Privacy
Kung sa paniwala ninyo kayo ay pinakitaan ng diskriminasyon batay sa lahi, kulay, bansang pinanggalingan, kapansanan, gulang, o, sa ilang pangyayari, kasarian o relihyon - ng isang tao o organisasyon na tumatanggap ng pondo mula sa Kagawaran ng mga Lingkurang Pangkalusugan at Pantao ng U.S. (U. S. Department of Health and Human Services [DHHS]), maaari kayong magsampa ng sumbong sa Tanggapan ng Mga Karapatang Sibil ng DHHS (DHHS Office for Civil Rights [OCR]).
Ipinaliliwanag sa inyo nitong mga paunawa ang inyong mga karapatang sibil sa ilalim ng mga batas na ipinapatupad ng OCR. Ipinaliliwanag din sa inyo kung paano magsampa ng sumbong.
Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagsasampa ng sumbong, mangyaring tawagan kami sa 1-800-368-1019. Kung kailangan ninyo ng tagapagsalin, kayo ay pagkakalooban namin ng isa.
Isinalin ng OCR ang mga sumusunod na Fact Sheets sa iba't ibang wika. Kung kinakailangan ninyong ipasalin ang iba pang impormasyong nasa web site na ito, mangyaring tawagan kami sa 1-800-368-1019
- PAGBABAHAGI NG IMPORMASYONG PANGKALUSUGAN SA MGA MIYEMBRO NG PAMILYA AT KAIBIGAN (Sharing Health Information with Family Members and Friends)
- PAG-UNAWA SA ABISO SA MGA KASANAYAN SA PAGKAPRIBADO NG HIPAA (Understanding the HIPAA Notice)
- ANG IYONG MGA KARAPATAN SA PAGKAPRIBADO NG IMPORMASYONG PANGKALUSUGAN (Your Health Information Privacy Rights)
- PAGKAPRIBADO, SEGURIDAD, AT MGAELECTRONIC NA TALAAN NG KALUSUGAN (Privacy, Security, and Electronic Health Records)
- PAANO MAGSAMPA NG SUMBONG HINGGIL SA KALIHIMAN NG IMPORMASYONG PANGKALUSUGAN SA TANGGAPAN NG MGA KARAPATANG SIBIL (How to file a Health Information Privacy Complaint with the Office for Civil Rights)
- SUMBONG HINGGIL SA KALIHIMAN NG IMPORMASYONG PANGKALUSUGAN (Health Information Privacy Complaint Form)