Hello,
Humigit-kumulang 68 milyong tao sa Estados Unidos ang nagsasalita ng ibang wika sa bahay maliban sa Ingles, at ng mga iyon, 8.2% ay hindi gaanong marunong magsalita ng Ingles at sa makatuwid ay nakakatugon sa kahulugan ng HHS ng limitadong kasanayan sa Ingles (Limited English Proficiency, LEP), dahil hindi sila nagsasalita ng Ingles bilang kanilang piniling wika at may limitadong kakayahang magbasa, sumulat, magsalita, o maunawaan ang Ingles. Ipinapakita ng data na may mas mataas na rate ng LEP sa ilang partikular na komunidad ng kulay at kabilang sa mga taong may mas mababang kita, at na mayroong kakulangan ng makabuluhang pag-access sa wika sa bansang ito, na maaaring humantong sa hindi patas na pag-access sa mga programa at serbisyo na pinapatakbo namin sa HHS. Kung ang mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay hindi maaaring makipag-usap nang malinaw sa kanilang mga pasyente, paano sila makapagtatag ng isang relasyon ng pagtitiwala, at paano maituturing ng mga pasyente ang kalubhaan ng nangyayari sa kanila, o maintindihan kung ano ang kinakailangan upang mapabuti ang mga ito?
Ang Titulo VI ng Batas sa Karapatang Sibil ng 1964, Seksyon 504 ng Batas ng Rehabilitasyon ng 1973, Titulo II ng Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan, at Seksyon 1557 ng Affordable Care Act ay nagbabawal sa mga entidad na tumatanggap ng pederal na tulong pinansyal mula sa diskriminasyon batay sa, bukod sa iba pang mga bagay, lahi, kulay, pambansang pinagmulan, at kapansanan. Nangangahulugan ito na ang mga saklaw na mga entidad ay dapat na magbigay ng pantay na pagkakataon na makilahok at makinabang mula sa mga programa; ang mga komunikasyon sa mga indibidwal na may kapansanan ay dapat na epektibo tulad ng sa iba; at ang mga makatwirang hakbang ay dapat gawin upang magbigay ng makabuluhang pag-access sa mga taong may LEP. Ang mga obligasyon na gumawa ng mga hakbang upang magbigay ng makabuluhang pag-access sa mga indibidwal na may LEP ay nalalapat din sa mga tagatanggap ng subsidyo ng pederal na tulong pinansyal, na dapat ding sumunod sa lahat ng naaangkop na mga batas sa karapatang sibil.
Ang Administrasyon ng Biden-Harris at ni Kalihim Becerra ay lubos na nakatuon sa pag-alis ng mga hadlang na kinakaharap ng mga tao sa pagkuha ng impormsyon, mga serbisyo, at benepisyo mula sa mga programa ng HHS na isinasagawa at tinulungan ng pederal. Bilang isang Mexican American at ikalimang henerasyon ng Arizonan, ang pag-access ng wika ay hindi lamang isang propesyonal na pangako, kundi isang personal na pangako. Kaya, ipinagmamalaki ko na ipahayag na ang HHS Language Steering Committee ay nag-update ng Plano sa Pag-access ng Wika ng Kagawaran sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 2013. Ang planong ito ay tutulong sa Seksyon ng Pagpapatupad at Kawani ng Kagawaran sa pagbibigay ng pantay na pag - access sa malawak na hanay ng mga programa at aktibidad na pinondohan at pinamamahalaan ng HHS. Nawa'y maging isang kapaki-pakinabang na kasangkapan ito sa paglampas ng mga hadalang at pagsulong ng katarungan para sa lahat.
Sumasainyo,
Melanie Fontes Rainer, Direktor ng
Tanggapan ng Karapatang Sibil
TALAAN NG MGA NILALAMAN
PATAKARAN AT PAGPAPATUPAD SA PAG-ACCESS NG WIKA
APENDISE A: PLANO SA PAG-ACCESS NG WIKA NG HHS
MGA ELEMENTO AT HAKBANG SA PAGKILOS
ELEMENTO 1: Pagsusuri: Mga Pangangailangan at Kapasidad
ELEMENTO 2: Serbisyong Tulong sa Interpretasyon ng Wika
ELEMENTO 3: Nakasulat na Pagsasalin
ELEMENTO 4: Mga Patakaran, Pamamaraan at Kasanayan
ELEMENTO 5: Abiso sa Pagkakaroon ng Tulong sa Wika ng Walang Bayad
ELEMENTO 6: Pagsasanay sa Kawani
ELEMENTO 7: Pagsusuri at Pananagutan: Pag-access, Kalidad, Mapagkukunan, Pag-uulat
ELEMENTO 8: Konsultasyon sa mga Kasosyo sa Kalusugan at mga Serbisyong Panlipunan
ELEMENTO 9: Digital na Impormasyon
ELEMENTO 10: Garantiya at Pagsunod ng mga Tatanggap ng Pondo ng HHS
APENDISE C: Mga Kaugnay na Mapagkukunan sa Pag-access ng Wika
PANIMULA
Sa ngayon, ang Kagawaran ng Kalusugan at mga Serbisyong Panlipunan ng Estados Unidos (Health and Human Services, HHS) ay nakikiisa sa mahigit 35 na mga ahensya ng pederal sa buong administrasyon sa paglalabas ng isang binagong Plano sa Pag-access ng Wika. Ang 2023 Plano sa Pag-access ng Wika ay magsisiguro ng mas malawak na pag-access sa mga serbisyo na nagliligtas ng buhay na ibininigay ng HHs para sa mga taong may Limitadong Kasanayan sa Ingles (Limited English Proficiency, LEP).1 Ang Plano na ito ay kumakatawan sa bunga ng mga taon ng walang sawang pagsusumikap ng HHS at mga pinuno nito. Ang Tanggapan ng Karapatang Sibil (Office of the Civil Rights, OCR) ay nakipagtulungan sa mga kinatawan mula sa buong Kagawaran upang ihanda ang mahalagang plano na ito at hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa walang humpay na pagsisikap ng Language Access Steering Committee sa buong Kagawaran.
Ang kakulangan ng makabuluhang pag-access sa wika ay maaaring humantong sa hindi pantay na pag-access sa mga programa ng HHS at ang mga serbisyo na pinopondohan ng ahensya. Ipinakikita ng 2021 Pagsusuri sa Komunidad ng Amerika ng Kagawaran ng Sensus ng U.S. na 21.5 porsiyento ng mga tao sa Estados Unidos ang nagsasalita ng ibang wika sa bahay maliban sa Ingles. Sa mga iyon, 8.2 porsiyento ang hindi gaanong mahusay sa pagsasalita ng Ingles at sa makatuwid ay nakakatugon sa kahulugan ng limitadong kasanayan sa Ingles.2 Matagal nang kinikilala ng HHS at makabuluhang hinahangad na bawasan at sa kalaunan ay maalis ang mga pagkakaiba sa lahi at etniko sa pangangalagang pangkalusugan at sa kalusugan.3 Ang mga pagkakaiba-iba para sa mga taong may LEP ang nag-udyok sa Ahensya ng Pananaliksik at Kalidad ng Pangangalagang Pangkalusugan na pondohan ang pag-unlad ng Pagpapabuti ng mga Sistema ng Kaligtasan ng Pasyente para sa mga Pasyenteng May Limitadong Ingles: Isang Gabay Para sa mga Ospital.4 Sinasabi ng Gabay na ipinapahiwatig ng pananaliksik na "ang mga hindi kanais-nais na pangyayari ay nakakaapekto sa mga pasyente na may LEP nang mas madalas, ay kadalasang sanhi ng mga problema sa komunikasyon, at mas malamang na magresulta sa malubhang pinsala kumpara sa mga nakakaapekto sa mga pasyente na nagsasalita ng Ingles."5 Ang pagbibigay ng pag-access sa wika ay nagpapababa sa mga hadlang sa pantay na pag-access sa mga programa ng HHS at mga serbisyo na pinondohan ng ahensya.
Mula nang maglingkod, si Pangulong Joseph R. Biden ay naglabas ng apat na mga Executive Order na sumusuporta sa kahalagahan ng pagtiyak ng tulong sa wika at makabuluhang pag-access: EO 13985, Pagsulong ng Pagkakapantay-pantay ng Lahi at Suporta para sa Mga Komunidad na Kulang sa Serbisyo sa Pamamagitan ng Pederal na Gobyerno;6
EO 13995, Pagtitiyak ng isang Patas na Tugon at Pagbawi ng Pandemya;7 EO 14031, Pagsulong ng Pagkakapantay-pantay, Katarungan, at Pagkakataon para sa mga Asyano Amerikano, Katutubong Hawaiino, at ang mga Pacific Islander;8 at EO 14091, Karagdagang Pagsulong ng Pagkakapantay-pantay ng Lahi at Suporta para sa Mga Komunidad na Kulang sa Serbisyo sa Pamamagitan ng Pederal na Gobyerno Karagdagang Pagsulong ng Pagkakapantay-pantay ng Lahi at Suporta para sa Mga Komunidad na Kulang sa Serbisyo sa Pamamagitan ng Pederal na Gobyerno.9
Noong Abril ng 2022, alinsunod sa EO 13985, binuo ng Kagawaran ang HHS Equity Action Plan, na tumutukoy sa mga layunin, tunguhin at kinakailangan ng pag-access sa wika para sa Kagawaran na lampas sa mga aksyon na kinakailangan ng EO 1316610 at Seksyon 1557 ng Affordable Care Act (Seksyon 1557).11 Ang unang seksyon ng Equity Action Plan ay pinamagatang "Walang diskriminasyon sa HHS: Mga Proteksyon sa Karapatang Sibil at Pag-access ng Wika," at nakatuon sa kung paano maaalis ng HHS ang mga hadlang sa pantay na resulta sa mga programa at aktibidad ng HHS. Ang Equity Action Plan ay humihiling sa Kagawaran na "magtrabaho upang maibalik at palakasin ang Plano sa Pag-access ng Wika sa pagitan ng mga departamento," at kinikilala ang ilang partikular na layunin sa pag-access ng wika, proseso, patakaran at responsibilidad. Ang Direktor ng Tanggapan ng Karapatang Sibil (Office of the Civil Rights, OCR) ay may pananagutan sa pagtatatag ng isang pamamaraan para sa pagsubaybay at pag-uulat ng pag-unlad na ginawa ng Kagawaran upang ipatupad ang mga kinakailangan sa pag-access ng wika sa Equity Action Plan.12
Upang suportahan ang pagsisikap na ito sa buong Kagawaran, noong Oktubre 6, 2022, naglabas ng isang memo si Deputy Secretary Andrea J. Palm sa lahat ng mga lider sa loob ng HHS na pinamagatang, Ang Pangako ni Kalihim Becerra na Magkaloob ng mga serbisyo ng tulong sa Wika sa Ilalim ng Mga Executive Order 13166, 13985, at 14031. Ang memo ay nagpapatibay na ang Direktor ng OCR ay namamahala sa pagpapalakas at pamumuno sa programa sa pag-access ng wika ng Kagawaran at para sa pag-uulat ng pag-unlad sa Kalihim.13
Noong Oktubre 11, 2022, muling inilunsad ng HHS ang Language Steering Committee, na nakatalaga sa pagsasama ng mga paghahatid sa pag-access ng wika ng Equity Action Plan sa isang na-update na Pag-access ng Wika ng HHS, at upang mamuno sa mga pagsisikap ng Kagawaran upang ganap na maipatupad ang bagong Pag-access ng Wika ng HHS.14 Tinukoy ng Kinatawan ng Kalihim at Direktor ng OCR na ang Language Access Steering Committee ay dapat gumana nang buong lakas upang maisulong ang mga layunin sa pag-access ng wika ng Pangulo at ng Kalihim para sa Kagawaran.15 Partikular na hiniling ng Kinatawan ng Kalihim sa mga pinuno ng mga seksyon ng pagpapatupad (operating divisions, OpDivs) at mga seksyon ng kawani (staff divisions, StaffDivs) upang magtalaga ng isang kinatawan sa antas ng GS-14 o GS-15 sa Language Steering Committee upang maisagawa ang pagpapatupad ng HHS ng mga obligasyon sa pag-access ng wika sa ilalim ng EO 13166, EO 13985, EO 14031, at ang Equity Action Plan na inilabas noong Abril 2022.16
Sa unang pagpupulong, tinalakay ng Language Access Steering Commitee ang kahalagahan ng pag-update ng Plano sa Pag-access ng Wika ng Kagawaran, na inilathala noong 2013. Batay sa mga patnubay na ito, inilabas ng HHS ang nakalakip na na-update na Plano sa Pag-access ng Wika.17
PATAKARAN AT PAGPAPATUPAD SA PAG-ACCESS NG WIKA
- Layunin
Sa pagsulong ng mga pagsisikp ng HHS upang itaguyod ang katarungan sa pamamagitan ng pagtukoy at pagtugon sa mga hadlang sa pantay na pagkakataon na maaaring harapin ng mga komunidad na kulang sa serbisyo dahil sa mga patakaran at programa ng gobyerno, ang bawat ahensya ng HHS18 ay dapat tiyakin ang pag-access sa napapanahon, kalidad na mga serbisyo ng tulong sa wika (Language Assistance Services, LAS) para sa mga indibidwal na may limitadong kasanayan sa Ingles (LEP).19 - Layunin at Awtoridad
Ipinapatupad ng HHS ang Titulo VI ng Batas sa Karapatang Sibil ng 1964 (Titulo VI)20 at Seksyon 1557.21
Ipinagbabawal ng mga batas na ito ang mga saklaw na entidad, kabilang ang mga entidad na tumatanggap ng pederal na tulong pinansyal at mga entidad ng estado at lokal na pamahalaan, mula sa diskriminasyon batay sa, bukod sa iba pang mga bagay, lahi, kulay, pambansang pinagmulan, at kapansanan. Alinsunod dito, ang mga makatwirang hakbang ay dapat gawin upang magbigay ng makabuluhang pag-access sa mga taong may LEP.22 Ang Batas ng Plain Writing ng 2010 ay isang batas na nangangailangang gamitin ng mga pederal na ahensya ang malinaw na komunikasyon ng pamahalaan na maiintindihan at magagamit ng publiko. Ang mga Executive Order 12866, 12988, at 13563 ay nagbibigay-diin sa pangangailangan ng simpleng wika.
Ang planong ito ay dinisenyo upang matiyak ang makabuluhang pag-access sa mga indibidwal na may LEP sa mga programa at aktibidad na pinangangasiwaan at pinondohan ng HHS alinsunod sa Titulo VI at Seksyon 1557, Mga Executive Order 13166, 13985, 13995, 14031 at 14091, at ang Equity Action Plan ng HHS na inilabas noon Abril 2022. Sa kabuuan, ang mga awtoridad na ito ay nagtatakda ng mga pangkalahatang layunin para sa HHS upang mapabuti ang pag-access sa mga programa at aktibidad nito para sa mga taong may LEP at tiyakin na ang mga entidad na pinondohan ng HHS ay gumawa rin ng mga makatwirang hakbang upang magbigay ng makabuluhang pag-access para sa mga taong may LEP.23
Habang ang planong ito ay pangunahing inilaan upang itaguyod ang makabuluhang pag-access sa mga programa at aktibidad ng mga bahagi ng HHS para sa mga indibidwal na may LEP, maraming aspeto ng planong ito ang nalalapat din sa pagtiyak na ang mga ahensya ay epektibong nakikipag-usap sa mga taong may kapansanan, kabilang ang mga taong umaasa sa wika ng senyas upang makipag-usap.24 Ang Seksyon 504 ay nag-aatas sa Kagawaran na gumawa ng mga naaangkop na hakbang upang matiyak na epektibong nakikipag-usap ito sa mga taong may kapansanan, kabilang ang mga taong umaasa sa wika ng senyas upang makipag-usap. Maaaring kabilang dito ang mga taong bingi o mahinang pandinig, bulag o malabo ang paningin, o may kaugnayan sa pananalita o iba pang mga kapansanan.25 Ang planong ito ay hindi naglalaman ng isang kompletong listahan ng mga kinakailangang sundin sa Seksyon 504 at iba pang mga batas sa mga karapatan ng kapansanan, ngunit ang Kagawaran at mga bahagi nito ay dapat sumunod sa mga kinakailangan para sa epektibong komunikasyon sa mga taong may kapansanan sa ilalim ng Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan,26 Seksyon 504 ng Batas ng Rehabilitasyon,27 at Seksyon 1557 ng Affordable Care Act. Ang Kagawaran at ang mga bahagi nito ay dapat ding sumunod sa Seksyon 508 ng Batas ng Rehabilitasyon ng 1973 (Seksyon 508),28 na humihiling sa mga ahensya ng pederal na tiyakin na ang kanilang teknolohiyang elektoniko at impormasyon, kabilang ang mga website, elektronikong dokumento, at mga aplikasyon ng software, ay naa-access sa mga indibidwal na may kapansanan. - Pahayag ng Patakaran
Ang patakaran ng Kagawaran ay magbigay sa mga indibidwal ng LEP ng makabuluhang pag-access sa mga programa at aktibidad na isinasagawa at pinondohan ng HHS na nag-aalis ng mga hadlang sa pagkamit ng pantay na paghahatid ng mga programa at aktibidad na isinasagawa at pinondohan ng HHS, na sa huli ay mag-aambag sa mas pinabuting mga resulta ng kalusugan at mabawasan ang mga pagkakaiba sa kalusugan para sa mga komunidad na kulang sa serbisyo na nakilala sa EO 13985. - Pagpapaunlad at Pagpapatupad ng Plano
Ang Language Steering Committee ay may tatlong pangunahing responsibilidad: 1) i-update ang mga alituntunin para sa pag-acces ng wika, pamamaraan, at diskarte ng Kagawaran; 2) bumuo at mapanatili ang isang tumpak na rekord ng mga pagsisikap ng Kagawaran na regular na masuri at gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang mapabuti at matiyak ang kalidad at katumpakan ng mga serbisyo ng tulong sa wika na ibinibigay sa mga indibidwal na may LEP sa pamamagitan ng mga programa at aktibidad na pinondohan at pinangangasiwaan ng HHS; at 3) taunang mag-uulat sa Kalihim tungkol sa pag-unlad na ginawa ng bawat dibisyon ng HHS sa pagpapatupad ng Plano sa Pag-access ng Wika na ito at magmungkahi ng mga rekomendayon para sa pagpapabuti ng kakayahan ng Kagawaran na ganap na ipatupad ang Plano sa Pag-access ng Wika. - I-update ang Plano sa Pag-access ng Wika ng HHS
Makikipagtulungan ang Language Access Steering Committee sa mga ahensya ng HHS upang bumuo at subaybayan ang mga pamamaraan ng pagpapatupad para sa pagsukat ng mga pagpapabuti sa pag-access ng wika sa mga indibidwal na programa at aktibidad at gumawa ng mga hakbang upang matiyak na ang mga impormasyon, kabilang ang kwalitatibo at dami, pati na rin ang magkakasalubong at nahiwahiwalay na data, ay nakolekta sa isang paraan na nagdaragdag ng pagkukumpara, katumpakan, at pagkakapareho sa mga programa at aktibidad. Ang Language Steering Committee ay mag-iipon ng data para sa taunang pag-uulat mula sa Direktor ng OCR sa Kalihim na tumutukoy sa pag-unlad na ginawa ng HHS upang ganap na ipatupad ang binagong Plano sa Pag-access ng Wika at gumawa ng mga rekomendasyon sa Kalihim para sa pagpapabuti ng mga serbisyong tulong sa wika na magagamit sa mga customer ng LEP ng mga programa at aktibidad ng HHS. - Bumuo ng Mga Pamamaraan upang Itala ang Pag-unlad ng HHS
Ang Language Access Steering Committee ay taunang magbibigay ng data call o survey sa lahat ng ahensya kung saan maaaring mabuo ang taunang ulat at mga rekomendasyon. Ang data call o survey ay hihiling ng mga impormasyong mahalaga para sa pagsukat ng pag-unlad na ginawa upang ipatupad ang mga hakbang sa pagkilos sa ilalim ng bawat elemento ng Plano sa Pag-access ng Wika, kabilang ang nahiwahiwalay at data ng magkakasalubong na demograpiko. Hihiling din ito ng impormasyon tungkol sa inaasahang kahilingan ng badget ng bawat ahensya para sa pagbibigay at/o pagpopondo ng mga serbisyo ng tulong sa wika sa mga darating na taon. Sa mga susunod na taon, ilalabas ng Language Access Steering Committee ang data call sa Marso 31 upang magkaroon ang mga ahensya ng oras na isama ang paliwanag sa badget sa Kawani ng Kalihim para sa Pinansiyal na Yaman (Assistant Secretary for Financial Resources, ASFR). - Draft ng Taunang Ulat sa Pag-unlad at mga Rekomendasyon
Sa taunang batayan, ang Language Access Steering Committee ay gagawa ng draft at magsusumite ng Taunang Ulat sa Pagsusuri ng Pag-unlad sa Pag-access ng Wika upang matanggap ng Kalihim ang ulat na may mga rekomendasyon bago ang katapusan ng taon ng pananalapi, at ilalabas ito sa publiko sa lalong madaling panahon pagkatapos nito. Hangga't posible at praktikal, ang ulat ay magsasama ng data upang matulungan ang mga bahagi ng HHS na gawing mas madali ang pag-aaral at koordinasyon sa buong organisasyon, pakikipagtulungan para sa outreach na mataas ang epekto, at/o bumuo ng mga mensahe na naaangkop at may kultural na kakayahan para sa pangmadlang tagapanood na may kaukulang pagtugon para sa magkakaparehong komunidad ng mga customer. - Maikli at Pangmatagalang Talaan ng Pamantayan
Upang matiyak na ang HHS ay gumagawa ng mga pag-unlad sa apat na pangunahing lugar na tinukoy ng 2022 Equity Action Plan, ang Plano sa Pag-access ng Wika na ito ay nagsasama ng mga panandaliang hakbang sa pagkilos upang makabuluhang mapahusay ang kapasidad ng HHS na magbigay: 1) ng mga webpage sa mga wika maliban sa Ingles; 2) mga serbisyo sa pagsasalin sa pamamagitan ng telepono at video o virtual; 3) impormasyon sa programa at benepisyo sa mga wika maliban sa Ingles; at 4) pederal na pagpopondo para sa mga serbisyo ng tulong sa wika. Ang mga pamantayan para sa pagsusukat ng pag-unlad na inilabas sa 2022 Equity Action Plan ay ipinapakita sa ibaba.29
Mga hadlang na dapat tugunan | Indikador sa gitnang panahon (2 hanggang 4 na taon) | Indikador sa mahabang panahon (5 hanggang 8 taon) |
---|---|---|
Pag-access sa nilalaman ng sariling wika sa pamamagitan ng mga webpage, mga anunsyo ng listserv, at pampublikong materyal para sa outreach |
|
|
Mga serbisyo ng pag-interpret sa telepono |
|
|
Impormasyon tungkol sa programa at benepisyo sa pang mga wika |
|
|
Pagpondo ng Pederal para sa mga tatanggap ng pondo sa HHS upang magbigay ng LAS |
|
|
Ang mga paunang itinatag na layunin at pamantayan na ito ay isinama sa nakalakip na Plano ng Pag-acces sa Wika tulad ng mga sumusunod: Elemento 2, Serbisyong Tulong sa Wika para sa Interpretasyon, kasama ang mga pamamaraan para sa pagbibigay ng epektibong serbisyo ng pagsasalin sa telepono. Elemento 3, Mga Nakasulat na Pagsasalin, nagbibigay ng isang plano para sa pagbuo ng programa, mga aktibidad, at impormasyon ng benepisyo sa iba't ibang sinasalitang wika. Bilang karagdagan, alinsunod sa Elemento 9, ang Digital na Impormasyon, patnubay, mga patakaran, pamamaraan, at iba pang mga kasangkapan ay bubuuin upang ang mga bahagi ay makagawa at makapag-post ng mga webpage sa wikang kinakailangan nang mahusay at pare-parehong paraan. Panghuli, ang Elemento 10, Garantiya at Pagsunod ng mga Tatanggap ng Pederal na Pondo, ay dinisenyo upang mas mahusay na ituon ang mga mapagkukunan sa pagtulong sa mga entidad na pinondohan ng HHS upang magbigay ng epektibong mga serbisyo sa wika.30
Tandaan: Bagaman ang mga indikador ng pamantayan ng Equity Action Plan ay umaabot mula sa dalawa hanggang walong taon, ang Language Access Steering Committee ay magtataguyod ng mas mabilis na pagpapatupad ng mga hakbang sa pagkilos sa Plano sa Pag-access ng Wika habang pinahihintulutan ng mga mapagkukunan at mga pangyayari. Kasama rin sa 2023 Plano sa Pag-access ng Wika ang mga karagdagang detalye tungkol sa mga layunin at mga pamantayan.
APENDISE A: PLANO SA PAG-ACCESS NG WIKA NG HHS
Sa loob ng anim na buwan mula sa paglabas nitong na-update na Plano sa Pag-access ng Wika,31 na may input mula sa mga kasosyo sa pangangalaga sa kalusugan at serbisyong panlipunan,32 ang mga dibisyon ng HHS ay dapat bumuo at magpatupad ng ahensya-mga tiyak na plano at patakaran sa pag-access ng wika na naglalaman at tumutukoy sa mga hakbang sa pagkilos upang maipatupad ang lahat ng sampung elemento ng Plano ng Pag-acces sa Wika na ito. Ang mga ahensiya ay dapat magsumite ng kanilang mga plano sa Pangulo ng Language Access Steering Committee upang suriin at aprubahan. Ang Pangulo ng Language Access Steering Committee ay magbibigay ng taunang ulat sa Kalihim tungkol sa pag-unlad ng bawat dibisyon ng HHS sa pagpapatupad ng lahat ng mga elemento ng planong ito. Magbibigay ang Tanggapan ng Karapatang Sibil (OCR) ng teknikal na tulong sa mga ahensiya na nangangailangan ng tulong sa pagbuo ng kanilang mga estratehiya para pagpapalawak ng pangkalahatang programa sa pag-access ng wika ng HHS, kabilang ang anumang mga update na kinakailangan sa mga Plano sa Pag-access ng Wika.
Ang Plano sa Pag-access ng Wika sa buong Kagawaran ay magsisilbing modelo para sa mga Plano sa Pag-access ng Wika ng mga ahensya. Tinutugunan nito ang mga layunin, patakaran, at kinakailangan sa pag-access ng wika na itinatag sa EO 13166, EO 13985, EO 13995, EO 14031, EO 14091, Titulo VI, Seksyon 1557, at ang 2022 Equity Action Plan ng HHS. Ang bawat isa sa sampung (10) elemento na nakapaloob sa 2013 Plano sa Pag-access ng Wika ay sinuri at na-update kung kinakailangan upang tumugon sa natuklasan na mga kahinaan ng serbisyo ng LEP, mga pagbabago sa teknolohiya, at mga prayoridad ng Administrasyon. Halimbawa, alinsunod sa Equity Action Plan ng HHS at sa pagsasaalang-alang sa mga kamakailang pagpapaunlad kabilang ang mga aral na natutunan sa panahon ng pandemya ng COVID-19, ang na-update na Plano sa Pag-access ng Wika ay may kasamang bagong pagtuon sa website at iba pang elektronikong paraan ng komunikasyon, kabilang ang video o virtual na pagsasalin kung naaangkop, pati na rin ang pagtaas sa pag-access ng wika sa mga programa at aktibidad ng HHS at impormasyon ng mga benepisyo, at partikular na pagpopondo para sa tulong sa wika. Ang 10 elemento na nakapaloob sa na-update na planong ito ay nagtatatag ng mga praktikal na layunin, patakaran, at hakbang sa pagkilos para sa mga ahensya ng HHS upang mapabuti ang makabuluhang pag-access ng wika sa kanilang mga programa at aktibidad pati na rin ang mga programa at aktibidad na pinopondohan nila. Nagbibigay din ang mga elemento ng mga rekomendasyon upang matulungan ang mga ahensya ng HHS na mapabuti ang kanilang epektibong komunikasyon sa mga indibidwal na may kapansanan.33
Bagaman may ilang kakayahan ang HHS sa kanilang mga paraan, kinakailangan pa rin nilang magkaroon ng pag-unlad sa pagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang at naaangkop na mga pamamaraan na itinakda ng plano na ito sa itinakdang panahon. Halimbawa, ang mga hakbang sa pagkilos na itinakda sa bawat elemento ay dapat ipatupad sa bawat ahensya, at sa kanilang mga programa at aktibidad. Ang mga ahensya ng HHS ay may kakayahang umangkop sa kung paano ipapatupad ang mga hakbang na ito ngunit dapat ipakita at iulat ang pag-unlad sa bawat taon. Bukod dito, dapat isama ng lahat ng mga ahensya ang kanilang mga layunin sa tulong sa wika, kabilang ang outreach sa mga kasosyo sa kalusugan at serbisyong panlipunan, sa kanilang mga taunang pagsusuri ng badget upang mapabuti ang kanilang kakayahan sa paglilingkod sa mga indibidwal na may LEP at ang kapasidad ng mga pinopondohan nila.
Ang mga ahensya ay dapat magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable sa pagpapatupad ng bawat isa sa mga elemento sa ibaba. Maaaring matukoy ng mga ahensya kung angkop na ang mga elemento ay ipatupad ng parehong tanggapan o opisyal na responsable sa pagpapatupad ng isa pang elemento. Ang mga ahensya ay magbibigay ng napapanahong update sa mga pagbabago sa itinalagang tanggapan o opisyal sa Language Access Steering Committee, kabilang ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
Sa tuwing posible at naaangkop, ang mga pagkilos sa planong ito ay dapat ipatupad kasabay ng iba pang mga inisyatibo ng ahensya upang madagdagan ang pag-access sa pangangalagang pangkalusugan at mga serbisyo, mapabuti ang kalidad ng kalusugan, at mabawasan ang mga pagkakaiba sa kalusugan at pangangalagang pangkalusugan. Ang 10 elemento ng Plano sa Pag-access ng Wika ay dapat ipatupad ng buong saklaw at sa isang magkatuwang na paraan. Hangga't maaari, ang mga hakbang sa pagkilos ay dapat na mangyari nang sabay-sabay at ang pinakamahusay na kasanayan ay dapat ibahagi nang malawakan. Para sa mga katanungan, alalahanin, at suporta, pakisuyong makipag-ugnayan sa LanguageAccess@hhs.gov o tumawag sa 202.969.3877.
MGA ELEMENTO AT HAKBANG SA PAGKILOS
Ang Plano sa Pag-access ng Wika na ito ay kumakatawan sa patakaran at estratehiya sa pag-access ng wika ng Kagawaran para sa pagpapabuti ng pag-access ng mga taong may LEP sa mga programa at aktibidad na pinondohan at pinangangasiwaan ng HHS. Ang plano na ito ay nagtatakda ng tiyak na mga hakbang at iskedyul na dapat sundin ng mga ahensya ng HHS upang masiguro ang buong implementasyon ng patakaran ng Kagawaran sa antas ng programa.
ELEMENTO 1: Pagsusuri: Mga Pangangailangan at Kapasidad
ELEMENTO 2: Serbisyong Tulong sa Interpretasyon ng Wika
ELEMENTO 3: Nakasulat na Pagsasalin
ELEMENTO 4: Mga Patakaran, Pamamaraan, at Kasanayan
ELEMENTO 5: Abiso sa Pagkakaroon ng Tulong sa Wika nang Walang Bayad
ELEMENTO 6: Pagsasanay sa Kawani
ELEMENTO 7: Pagsusuri at Pananagutan: Pag-access, Kalidad, Mapagkukunan, Pag-uulat
ELEMENTO 8: Konsultasyon sa mga Kasosyo sa Pangangalaga sa Kalusugan at Serbisyong Panlipunan
ELEMENTO 9: Digital na Impormasyon
ELEMENTO 10: Garantiya at Pagsunod ng mga Tatanggap ng Pondo ng HHS
ELEMENTO 1: Pagsusuri: Mga Pangangailangan at Kapasidad
Sa bawat buwan ng Marso kada taon, susuriin ng bawat ahensya ng HHS ang saklaw ng pangangailangan para sa tulong sa wika o materyales sa sariling wika na hiniling o ginamit ng kanilang mga customer, kasama na ang mga benepisyaryo, at/o iba pang kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan, at bumuo ng kahilingan sa badyet upang matugunan ang mga inaasahang pangangailangan sa tulong sa wika para sa darating na taon.
Paglalarawan:
Ang mga ahensya ay dapat, sa isang patuloy na batayan, suriin ang mga pangangailangan ng tulong sa wika ng kanilang kasalukuyan at mga potensyal na customer upang ipaalam ang patakaran, proseso, at badyet na kinakailangan upang madagdagan ang kamalayan at ipatupad ang mga serbisyo ng tulong sa wika na nagdaragdag ng pag-access sa kani-kanilang mga programa, aktibidad, at serbisyo para sa mga taong may LEP. Ang pagsusuri na ito ay dapat magsama ng 1.) pagkilala sa wikang hindi Ingles, kabilang ang American Sign Language (ASL) o iba pang mga wika ng senyas, na sinasalita ng populasyon na malamang na ma-access o kung hindi man ay nangangailangan at karapat-dapat para sa mga serbisyo ng ahensya, at 2.) ang mga hadlang - kabilang ang mga hadlang sa mapagkukunanan - na humahadlang sa pagkakaloob ng epektibong interpretasyon at nakasulat na komunikasyon sa mga indibidwal na may LEP.
Mga Hakbang sa Pagkilos:
- Sa bawat taon, ang itinalagang tanggapan o opisyal na responsable para sa taunang pagsusuri na inilarawan sa elementong ito ay dapat lumahok sa hindi bababa sa isang sesyon ng pakikinig, na hino-host ng isang partikular na ahensya o buong HHS, upang malaman ang tungkol sa mga hamon at pagkakataon para sa pagpapabuti sa mga pagsisikap sa pag-access ng wika ng ahensya, at kumonsulta sa mga eksperto sa paksa upang matukoy kung ang kasalukuyang programa sa pag-access ng wika ng ahensya ay epektibo at sumusunod sa Seksyon 1557, pati na rin sa Plano sa Pag-access ng Wika na ito.
- Ang itinalagang tanggapan o opisyal ay dapat na regular na makilahok sa hindi bababa sa isang inter- at/o intra- agency language access working group upang matukoy ang mga paraan para mapabuti ang kasanayan ng ahensya sa pagbibigay ng mga serbisyong tulong sa wika, tulad ng pagtanggap at pantay na pagsuporta sa mga kwalipikadong kawani na marunong sa dalawang wika at higit pa, at kawani na bihasa sa ASL, upang magbigay ng direktang pakikipag-ugnayan "sa sariling wika" at gayundin tinitiyak ang pagkakaroon at epektibong paggamit ng kontrata sa interpretasyon at pagsasalin na mga serbisyo.
- Ang itinalagang tanggapan o opisyal ay dapat gumawa ng mga tiyak na hakbang upang bumuo o baguhin ang mga patakaran o kasanayan na matiyak na ang mga serbisyo ng tulong sa wika ng ahensya ay sapat upang matugunan ang mga pangangailangan ng customer at payuhan ang mga opisyal ng ahensya sa pag-update ng plano sa pag-access ng wika ng ahensya kung kinakailangan. Ang mga Plano sa Pag-access ng Wika ng ahensya ay dapat na maiangkop sa isang paraan na makatwiran sa ahensya at sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran. Tinatanggap ng OCR ang mga karagdagang hakbang na isinagawa ng mga ahensya upang maglingkod sa mga taong may LEP at hinihikayat ang mga ahensya na isama ang mga naturang hakbang sa kanilang mga Plano ng Pag-acces sa Wika upang maibahagi ang mga pinakamahusay na kasanayan sa buong HHS.
Maaaring matukoy ng kawani ng HHS kung ang isang tao ay nangangailangan ng tulong sa wika sa maraming paraan:
- Kusang-loob na pagkilala sa sarili ng indibidwal na may LEP o kanilang kasamahan;
- Positibong pagsusuri hinggil sa pangunahing wika ng indibidwal kung sila ay nagpahayag na nangangailangan ng serbisyong tulong sa wika;
- Pakikipag-ugnayan sa isang kwalipikadong kawani na marunong sa maraming wika o kwalipikadong interpreter upang tiyakin ang pangunahing wika ng isang indibidwal; o
- Paggamit ng identification card o poster na nagpapakita ng "Nagsasalita Ako" sa wika;
- Pagtukoy sa piniling wika kapag nagsasagawa ng mga pagsusuri sa pagmamasid sa kalusugan ng populasyon;
- Pagsasama sa pagsusuri ng mga sakit sa iba't ibang wika;
- Paggamit ng mga kagamitan sa pagmapa ng demograpiko ng estado na kinabibilangan ng piniling wika at kapansanan para sa prayoridad ng populasyon.
Ang mga kawani ng HHS ay hindi dapat gumawa ng mga pagpapalagay tungkol sa pangunahing wika ng isang indibidwal batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, o katayuan sa kapansanan. Ang mga indibidwal na bingi o mahina ang pandinig ay maaaring hindi makipag-usap gamit ang ASL at maaaring may limitadong kasanayan sa nakasulat at pasalitang Ingles. Maaaring mangailangan sila ng ibang tulong o serbisyo, tulad ng suporta sa wika ng senyas mula sa ibang rehiyon o bansa o pagkuha ng isang Deaf o Sertipikadong Deaf interpreter.
Kasama sa mga karagdagang pagsasaalang-alang kapag tinutukoy ang wika ay kinabibilangan ng pagtatanong tungkol sa rehiyon, munisipalidad, nayon, o partikular na komunidad ng indibidwal, upang matiyak ang tamang pagkakakilanlan ng wika.
ELEMENTO 2: Serbisyong Tulong sa Interpretasyon ng Wika
Ang bawat ahensya ng HHS ay magsasagawa ng mga hakbang upang magbigay ng naaangkop na mga serbisyong tulong sa wika para sa interpretasyon (hal., harap-harapan, virtual (mga video/webinar), at/o mga pag-uusap sa telepono), nang libre, na tumutugon sa mga pangangailangan na natukoy sa Elemento 1. Ang bawat ahensya ng HHS ay magtatatag ng isang punto ng pakikipag-ugnayan para sa mga indibidwal na may LEP, tulad ng isang opisina, opisyal, e-mail address, o numero ng telepono upang ma-access ang serbisyong ito.
Paglalarawan:
Ang mga serbisyong tulong sa wika para sa interpretasyon ay mahalaga upang matiyak ang makabuluhang pag-access at isang pantay na pagkakataon upang ganap na lumahok sa mga serbisyo, aktibidad, programa, o iba pang mga benepisyo na pinangangasiwaan o pinondohan ng mga ahensya ng HHS. Dapat tiyakin ng mga ahensya na ang lahat ng mga interpreter na ginagamit nila ay kwalipikado upang magbigay ng serbisyo at maunawaan at ilapat ang mga pangangailangan ng etika ng interpreter at kumpidensyalidad ng kliyente, lalo na dahil malawak ang pananaliksik na nagpapakita na ang kakulangan ng kwalipikadong interpreter ay maaaring magkaroon ng mga negatibong kahihinatnan sa kalusugan at dagdagan ang kontribusyon sa mga pagkakabahabahagi sa kalusugan. Ang kahulugan ng isang kwalipikadong interpreter ay nasa Apendise B.
Ang mga taong may kapansanan ay may karapatan sa naaangkop na mga karagdagang tulong at serbisyo kung kinakailangan upang mabigyan sila ng pantay na pagkakataon upang makinabang mula sa mga programa at aktibidad ng HHS. Kasama sa mga karagdagang tulong at serbisyo, ngunit hindi limitado sa, mga kwalipikadaong interpreter ng wika ng senyas na personal o sa pamamagitan ng serbisyo ng video remote interpreting (VRI).
Ang tulong sa wika ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng iba't ibang paraan, kabilang ang kwalipikadong kawani na marunong sa dalawa at higit pang wika, at mga kwalipikadong tagapagsalin na nagbibigay ng personal, sa pamamagitan ng telepono, boses mula sa malayo, at video o anumang iba pang uri ng pagsasalin-wika. Gayunpaman, ang Ahensya ay hindi dapat magtala ng mga anak ng indibidwal para sa tulong sa wika, at ang mga miyembro ng pamilya o komunidad ay dapat gamitin lamang sa mga pambihirang pangyayari o kapag ang taong may LEP ay humihiling ng tulong sa wika. Hindi maaaring gumamit ang ahensya ng isang may sapat na gulang na kasama ng taong may kapansanan upang magsalin para sa kanila maliban kung hiniling nila sa may sapat na gulang na magsalin, sumang-ayon ito, at ang pag-depende sa may gulang ay angkop. Hindi maaaring gumamit ang ahensya ng isang bata na kasama ng isang taong may kapansanan na magsalin maliban sa isang emerhensiya na kinasasangkutan ng isang agarang banta sa kaligtasan o kapakanan kung walang iba pang interpreter na available. Hindi dapat hilingin ng ahensya sa taong may kapansanan na magdala ng ibang tao upang magsalin para sa kanila. Kinakailangan din na malaman ng publiko na ang ahensya ay magbibigay ng mga serbisyo ng pag-interpret, nang libre.
Bagama't ang pagiging angkop ng interpreter ay mag-iiba ayon sa pangangailangan sa pagganap, konteksto, at kalagayan, sa pangkalahatan, ang interpreter ay dapat magkaroon ng kasanayan sa (mga) paksa na isasalin sa pamamagitan ng pagpapakita ng nauugnay na background sa edukasyon o propesyonal na karanasan sa paksang iyon. Halimbawa, sa isang kalagayan ng pangangalagang pangkalusugan, ang mga ahensya ay dapat makipag-ugnayan sa isang interpreter na may kadalubhasaan sa paksa sa terminolohiyang pangkalusugan at medikal. Maaaring kailanganin din ang medikal na pagsingil at mga kakayahan sa seguro, depende sa konteksto. Kinakailangan din ang mga kwalipikadong interpreter upang matiyak na naaangkop sa kultura at tumpak ang pagsasalin. Kaugnay nito, ang mga interpreter ay hindi kailangang maging sertipikado upang maging kwalipikado, dahil hindi lahat ng mga wika ay may sertipikasyon na available.
Ang isang solong punto ng pakikipag-ugnayan para sa bawat ahensya ng HHS, tulad ng isang tanggapan o opisyal, ay dapat bumuo ng mga pamamaraan para sa ahensya upang magbigay ng mga serbisyong tulong sa wika para sa interpretasyon at bumuo o kung hindi man ay magbigay ng pagsasanay sa kawani upang matiyak na ang lahat ng mga empleyado na may pampublikong pakikipag-ugnayan ay maaaring magbigay ng mga serbisyong tulong sa wika para sa interpretasyon kung kinakailangan at sa isang napapanahong paraan.
Mga Hakbang sa Pagkilos:
- Sa loob ng 180 araw mula sa pagpapalabas ng Plano ng Pag-acces sa Wika na ito, magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable para sa pagtatatag ng mga pamamaraan sa buong ahensya para sa pagbibigay ng mga serbisyo ng interpretasyon sa isang paraan na tinitiyak ang napapanahong komunikasyon sa pagitan ng mga taong may LEP at mga dibisyon ng HHS sa mga taong may kapansanan at mga disbisyon ng HHS. Dapat tugunan ng mga pamamaraan ang iba't ibang paraan para sa pagbibigay ng mga serbisyo ng interpreter, kabilang ang mga pamamaraan na tinitiyak ang pagkakaloob ng epektibong mga serbisyo ng malayong boses at interpreter sa video.
- Kilalanin ang mga punto ng pakikipag-ugnayan (point of contact, POC) ng ahensya na responsable sa pagbuo at pangangasiwa ng isang remote na programa ng pagsasalin sa boses at video para sa bawat dibisyon na nakaharap sa publiko na tinitiyak na alam ng indibidwal na may LEP na ang HHS ay magbibigay ng mga serbisyo ng pag-interpret nang walang bayad at magbibigay ng patnubay kung paano makuha ang mga serbisyo ng interpreter ng ahensya, kapag available. Ang ganitong mga programa ay dapat isaalang-alang ang katotohanan na ang pag-angat ng sistemang integrated voice prompt (IVP) ay nagdulot ng kahirapan sa mga indibidwal na may LEP na makatawid sa iba't ibang "mga proseso sa telepono" para makakuha ng isang interpreter. Dahil nangangailangan ng mga tugon sa mga awtomatikong prompt upang makakuha ng tulong sa sariling wika ay maaaring maging hadlang sa makabuluhang pag-access, ang iba pang mga pagpipilian upang ma-access ang serbisyo ng wika nang mas direkta ay dapat tuklasin.
- Dapat na suriin ng mga POC ng ahensya ang remote na programa ng pagsasalin ng boses at video ng ahensya, kumunsulta sa mga eksperto sa paksa, gumawa ng mga rekomendasyon para sa pagpapabuti ng pagiging epektibo ng programa, at magbigay ng katwiran sa badyet para sa mga aksyon na nagpapabuti sa programa.
- Dapat bumuo ang mga POC ng ahensya ng mga pamamaraan at mekanismo para matiyak na alam ng mga komunidad ng LEP na bibigyan sila ng mga serbisyo ng interpretasyon nang libre at magbibigay ng impormasyon kung paano makakuha ng mga serbisyo ng interpretasyon. Kasama sa mga paraan ang, ngunit hindi limitado sa, pagpupulong ng mga sesyon ng pakikinig sa mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan, mga survey at mga grupo ng pokus sa mga komunidad ng LEP, at pakikipagtulungan sa mga non-profit na organisasyon na nakikibahagi sa komunidad ng LEP. Bawat taon pagkatapos nito, dapat payuhan ng mga POC ang mga pinuno ng ahensya kung kailangan ng karagdagang outreach.
- Dapat bumuo ang mga POC ng ahensya ng mga paraan para sa pagsubaybay at pag-uulat ng bilang ng mga kahilingan para sa mga serbisyo ng interpretasyon, uri ng hiniling na interpretasyon, hiniling na wika, at oras ng pagtugon kung saan ibinigay ang interpretasyon. Kasama rin dito, ngunit hindi limitado sa bilang ng mga kaso, usapin, o mga inisyatibo sa outreach kung saan ibinigay ang tulong sa wika, ang (mga) pangunahing wika na hiniling o ibinigay, ang uri ng mga serbisyong tulong sa wika na ibinigay, o ang gastos ng anumang mga serbisyong tulong sa wika na ibinigay.
- Sa bawat taon ng pananalapi, magsumite ng katwiran sa badyet para sa pagpapalaganap ng mensahe upang itaas ang kamalayan sa mga available na serbisyo ng interpretasyon.
- Gumawa ng mga pamantayan para sa pagsusuri ng mga kawani na marunong sa dalawang wika o kawani sa pag-interpret ng wika ng senyas para sa kanilang kakayahang magbigay ng mga serbisyo ng interpretasyon at matiyak na ang mga naturang empleyado ay nababayaran nang naaangkop kung tinawag silang magbigay ng serbisyo ng interpretasyon. Ang mga kawani lamang na nasuri na may mataas na kasanayan sa wika (ayon sa kahulugan ng HHS ng marunong sa dalawa/maraming wika na kawani) ang maaaring makipag-usap sa mga taong may LEP o mga taong may kapansanan na nangangailangan ng interpretasyon ng wika ng senyas. Isasaalang-alang din ng mga ahensya ang mga pamantayan para sa pagbibigay ng mga puntos sa mga pagpapasaya para sa pagkuha ng mga kandidato sa trabaho na may dalawa at maraming wika. Ang sobrang pagtitiwala sa mga boluntaryong kawani sa halip na gumamit ng mga propesyonal na tagapagsalin ay hindi inirerekomenda.
- Isaalang-alang ang pagpapanatili ng isang listahan ng mga kwalipikadong kawani na marunong sa dalawa at maraming wika na may kakayahang magbigay ng mga serbisyong interpretasyon na nagbibigay ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa empleyado at (mga) wika kung saan sila ay may kakayahang magsalin. Gumawa ng plano kung paano masasanay ang mga kawani na tumugon sa mga kahilingan sa serbisyo ng tulong sa wika at kung sino ang maaaring tumawag sa mga kawani na magsasagawa ng mga serbisyo ng tulong sa wika ng pag-access sa wika
- Magtatag ng isang listahan ng lahat ng mga kontak at iba pang mga mapagkukunan na available sa ahensya at kwalipikado sa pagbibigay ng interpretasyon sa mismong lokasyon (on-site interpreting, OSI), pagsasalin ng wika sa telepono (over-the-phone interpreting, OPI), at VRI sa mga indibidwal ng LEP at mga taong may kapansanan na nangangailangan ng interpretasyon sa wika ng senyas na naghahanap ng impormasyon o pag-access sa mga programa at aktibidad ng ahensya.
- Bumuo ng isang mekanismo para sa pagsubaybay at pagsusuri ng mga serbisyo ng interpretasyon.
- Ang mga ahensya na direktang naglilingkod sa publiko o nagpopondo ng mga programa at aktibidad na naglilingkod sa publiko ay magtatatag ng mga linya ng tulong na sinusuportahan ng OPI at VRI. Sa pinakamababa, ang mga linya ng tulong ay mabilis na magkokonekta sa mga tumatawag na nagsasalita ng 15 pinaka-karaniwang sinasalita na mga wika sa mga kaugnay na (mga) estado (ayon sa pinakabagong kaugnay na data mula sa Kawanihan Ng Sensus ng Estados Unidos) sa mga interpreter sa telepono o interpreter sa video. Batay sa mga pangangailangan ng komunidad at indibidwal, maaaring kailanganin ang mas maraming wika at dapat ding isama.
- Ang mga POC ng ahensya ay magsisilbi sa hindi bababa sa isang inter- at/o intra-agency na working group upang matuto at magbahagi ng mga epektibong kasanayan para sa pagpapahusay ng tulong sa wika para sa interpretasyon at gumawa ng mga rekomendasyon sa kani-kanilang pinuno ng ahensya para sa pagpapabuti ng kanilang programa sa tulong sa wika para sa interpretasyon.
- Dapat isaalang-alang ng mga ahensya ang pagsasama ng mga probisyon para matiyak na ang mga serbisyo ng interpretasyon ay naa-access ng mga indibidwal na may kapansanan, kabilang ang mga bingi o mahina ang pandinig o may iba pang mga kapansanan na may kaugnayan sa komunikasayon. Maaaring kabilang dito ang pagbibigay ng interpreter ng wika ng senyas, pagka-kapsiyon, o karagdagang naa-access na suporta sa komunikasyon. Ang ilang mga halimbawa ng karaniwang visual na paraan ng komunikasyon ay matatagpuan sa sumusunod na mapagkukunan: ADA Business Brief: Pakikipag-ugnayan sa mga Taong Bingi o Mahina ang Pandinig sa Isang Setting ng Ospital.
ELEMENTO 3: Mga Nakasulat na Pagsasalin
Ang bawat ahensya ng HHS ay tutukuyin, isasalin, at gagawing naa-access sa iba't ibang mga format, kabilang ang pag-print, online, at elektronikong media, mahahalagang dokumento, kabilang ang mahalagang impormasyon ng konsyumer/pasyente, sa isang naa-access na format, sa mga wika maliban sa Ingles alinsunod sa mga pagsusuri ng mga pangangailangan at kapassidad na isinagawa sa ilalim ng Elemento 1. Para sa mga layunin ng Plano sa Pag-access ng Wika na ito, ang Apendise B ay naglilista ng mga halimbawa ng mga mahahalagang dokumento, na kinabibilangan ng mahalagang impormasyon sa programa, mga dokumento na mahalaga para sa pagkuha ng pahintulot, mga form ng reklamo, mga aplikasyon para sa pakikilahok sa isang programa o aktibidad o upang makatanggap ng mga serbisyo o benepisyo,nakasulat na mga paunawa ng mga serbisyo sa tulong sa wika, pamantayan sa pagiging karapat-dapat, at mga paunawa ng karapatan o paunawa ng pagtanggi, pagkawala, o pagbaba ng mga serbisyo o benepisyo. Sa pinakamababa, ang abiso ng mga karapatan sa kawalan ng diskriminasyon at pagkakaroon ng libreng wika at anumang naaangkop na serbisyong pantulong ay dapat ibigay, at ang OCR ay magbibigay ng mga pagsasalin ng mga abiso sa modelo sa nangungunang 15 wika na sinasalita ng mga taong may LEP sa bawat estado.
Paglalarawan:
Ang mga ahensya ng HHS ay dapat gumawa ng makatwirang mga hakbang upang magbigay ng tumpak na nakasulat na mga pagsasalin upang matiyak ang makabuluhang pag-access sa at isang pantay na pagkakataon upang makatanggap ng napapanahong impormasyon sa pampublikong kalusugan at serbisyong panlipunan at ganap na lumahok sa mga serbisyo, aktibidad, programa o iba pang mga benepisyo na pinangangasiwaan ng ahensya tulad ng inilarawan sa Elemento 1. Dahil sa magkakaibang mga aktibidad at mga lugar ng pokus sa loob ng Kagawaran, hindi pa itinatag ang isang pangkalahatang limitasyon, maliban sa pagsasaalang-alang sa mga paunawa ng kawalan ng diskriminasyon na maaaring kinakailangang isalin sa nangungunang 15 wika na sinasalita ng mga taong may LEP sa estado. Gayunpaman, bilang karagdagan sa mga pagsasalin, bawat ahensya ay tungkulin na aktibong tuklasin para sa kanilang mga programa at gawain kung ano ang itinuturing na mahahalagang dokumento at ipatupad ang isang estratehiya sa pagsasalin.
Isasalin ng mga ahensya ang mahahalagang dokumento o iba pang kritikal na impormasyong pampubliko (lalo na sa mga emerhensiyang pampublikong pangkalusugan) batay sa kani-kanilang mga pagsusuri ng pangangailangan at kapasidad at bubuo ng mga diskarte sa pagsasalin na angkop sa paraang pampamahagi. Ang mga isinalin na dokumento ay dapat na madaling maunawaan ng mga nilalayon na madla. Ang mga bagay ng simpleng wika, komunikasyon sa kultura, at pag-unawa sa kalusugan ay dapat isaalang-alang para sa lahat ng mga dokumento, kasama na kapag orihinal na isinusulat sa Ingles. Ang mga materyal na isinalin, ay dapat na madaling ma-access sa website ng ahensya.
Upang mapabuti ang pagiging angkop sa kultura at katumpakan ng mga pagsasalin, dapat gamitin ang mga kwalipikadong tagasalin at tagasuri. Mas pinipili, bagama't hindi kinakailangan, na ang mga kwalipikadong tagasalin at tagasuri ay nagtataglay ng hindi bababa sa isa sa mga sumusunod na kwalipikasyon:
- Isang degree na inisyu ng unibersidad o sertipiko sa pagsasalin sa kumbinasyon ng wika na kinakailangan.
- Sertipikasyon ng isang propesyonal na asosasyon ng pagsasalin o unyon, tulad ng American Translators Association (ATA) o iba pang ahensiyang nagbibigay ng sertipikasyon sa pagsasalin sa kumbinasyon ng wika at direksyon na kinakailangan, kapag available. Kapag ang sertipikasyon ay hindi available sa isang tiyak na kumbinasyon ng wika at direksyon na kinakailangan (hal., Ingles sa isang katutubong wika), ang iba pang mga pangunahing kinakailangan ay maaaring gamitin upang masuri ang kwalipikasyon, kabilang ang mga taon ng kranasan, mga sanggunian mula sa mga indibidwal na kwalipikado upang patunayan ang kalidad ng kanilang trabaho, atbp.
- Mayroong hindi bababa sa 3 taon ng propesyonal na karanasan sa isang posisyon ng kawani o buong oras na freelancing na nakatuon sa pagsasalin, pagkumpleto ng trabaho sa kumbinasyon ng wika at direksyon na kinakailangan.
Bilang karagdagan sa karanasang ito, ang tagasalin ay dapat na magpakita ng propesyonal na kadalubhasaan sa paksa sa (mga) paksa na isasalin sa pamamagitan ng pagpapakita ng nauugnay na background sa edukasyon o propesyonal na karanasan sa mga paksang iyon. Halimbawa, kapag nagsasalin ng mga impormasyon sa pangangalagang pangkalusugan, dapat gamitin ang mga tagasalin na may kadalubhasaan sa paksa at terminilohiyang pangkalusugan at medikal. Ang pagsasalin ng mga isyu sa pagiging karapat-dapat at seguro ay maaaring mangailangan ng karagdagang kadalubhasaan.
Ang machine translation o iba pang mga aplikasyon ng artificial intelligence, o software na dinisenyo upang i-convert ang nakasulat na teksto mula sa isang wika patungo sa isa pa, ay hindi dapat gamitin nang walang paglahok ng kwalipikadong tao na tagapagsalin bago ang teksto ay makarating sa inilaan na madla.
Ang mga indibidwal na may LEP at/o may ilang kapansanan sa komunikasyon na gustong ma-access ang mga serbisyo ng Kagawaran ay maaaring hindi marunong bumasa sa laganap na nakasulat na wika ng kanilang bansang pinagmulan, o ang kanilang mga wika ay maaaring walang nakasulat na anyo na ang isinaling materyal ay hindi magiging isangmabisang paraan ng pakikipag-usap sa kanila. Para sa naturang mga indibidwal na may LEP, maaaring gusto ng mga bahagi na isaalang-alang ang pagsasalin-tanaw, interpretasyon, o komunikasyon sa audio/video. Para sa mga indibidwal na may mga kapansanan na nakakaapekto sa komunikasyon, ang mga bahagi ay dapat na magtanong tungkol sa piniling paraan upang maihatid ang impormasyon na karaniwang available sa nakasulat na paraan.
Mga Hakbang sa Pagkilos:
- Magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable para sa pagbuo ng isang programa na tinitiyak na ang mga indibidwal na nakikilahok o sinusubukang lumahok sa mga programa at aktibidad na pinondohan o pinangangasiwaan ng HHS ay binibigyan ng mga serbisyo ng tulong sa nakasulat na wika alinsunod sa mga pangangailangan, kapasidad, pagsusuri, at planong ito ng ahensya.
- Ipatupad ang pagsusuri ng pangangailangan sa wika upang tuklasin ang mga kasanayan sa literasiya ng mga LEP na populasyon sa kanilang pinipiling wika at dalas ng pakikipag-ugnayan sa ahensya. Tandaan na maaaring may mga populasyon ng LEP na nagsasalita ng isang wika kung saan walang nakasulat na anyo o kung saan ang literasiya ay karaniwang napakababa. Sa ganitong mga kaso, kapag posible ang mga alternatibong paraan para sa pagbibigay ng makabuluhang pag-access ng wika sa mahahalagang dokumento ay dapat ibigay, tulad ng mga pagsasalin-tanaw o mga paliwanag sa dokumento sa pamamagitan ng video.
- Sa bawat taon ng pananalapi ay magsusumite ng katwiran sa badyet para sa paggawa at pamamahagi ng mga isinalin na mahahalagang dokumento at iba pang kritikal na impormasyong pampubliko.
- Gumawa ng index na naglalarawan ng mga materyal na available sa mga wikang hindi Ingles, kabilang ang American Sign Language, at i-post ang index sa isang internal website na available sa mga empleyado ng HHS. Baguhin ang materyal kung kinakailangan upang matiyak ang kalidad at madaling maunawaan at i-update ang index nang naaayon. Gumamit ng kwalipikadong ikatlong partido para suriin ang mga pagsasalin para sa kawastuan, kakayahang mabasa, kakayahang magamit, at kultural na pagtugon.
- Alamin ang mga kawani ng ahensya na may pananagutan sa pagsasalin ng materyal ng ahensya, at/o namamahala ng (mga) kontrata ng pagsasalin at interpretasyon, at ibahagi ang kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga tagapamahala at kawani na nakikipag-usap sa publiko.
- Tukuyin ang mga lugar ng programa na regular na naglilingkod sa mga komunidad ng LEP, anong mga dokumento ang kwalipikado bilang mahahalagang dokumento, tiyakin na ang mga mahahalagang dokumento ay ibinibigay sa mga piniling wika para sa mga komunidad ng LEP na pinaglilingkuran, at gumawa ng mga materyales sa iba pang wika kapag hiniling o kung hindi man ay naaangkop. Ang bawat OpDiv/StaffDiv ay may pananagutan sa pagkilala sa mga mahahalagang dokumento nito para sa pagsasalin, pag-update ng mga pagsasalin kung kinakailangan, at pag-post ng mga mahahalagang dokumento sa online upang maaari silang gamitin kaagad.
- Mag-alok ng mga isinalin na nakasulat na materyales sa iba pang mga format tulad ng audio, video na may subtitle, video na may wika ng senyas, impormasyong grapiko, atbp, para sa mga taong may limitadong literasiya o kapansanan, at para sa mga wika na walang nakasulat na porma.
- Ang lahat ng online na isinalin na nilalaman ay dapat sumunod sa Seksyon 508 ng Batas sa Rehabilitasyon.
ELEMENTO 4: Mga Patakaran, Pamamaraan at Kasanayan
Ang bawat ahensya ng HHS ay taunang susuriin, at kung kinakailangan, i-update, at ipatupad ang mga nakasulat na patakaran at pamamaraan nito upang matiyak na nagsasagawa ito ng mga makatwirang hakbang upang mabigyan ang mga indibidwal ng LEP ng makabuluhang pag-access sa mga programa at aktibidad ng ahensya.
Paglalarawan:
Ang mga ahensya ng HHS ay dapat magtatag at magpanatili ng isang sistema na dinisenyo upang ipatupad at mapabuti ang mga serbisyo ng tulong sa wika sa loob ng ahensya. Ang mga resulta ng pagsusuri mula sa Elemento 1 ay dapat gamitin upang magbigay ng impormasyon sa pagbuo ng mga patakaran, pamamaraan, at kasanayan na naaangkop para sa ahensya upang isulong ang kakayahang ma-access ng mga indibidwal na may LEP na kanilang pinaglilingkuran o malamang na paglilingkuran.
Mga Hakbang sa Pagkilos:
- Magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable para sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran at pamamaraan sa pag-access sa nakasulat na wika upang matiyak na ang bawat elemento ng Plano sa Pag-access ng Wika ng HHS ay ipinapatupad sa kani-kanilang mga programa at aktibidad ng kanilang ahensya, kabilang ang mga emerhensiya sa pampublikong pangkalusugan.
- Ang itinalagang tanggapan o opisyal ay lalahok sa hindi bababa sa isang inter- at/o intra- agency working group na nakatuon, sa bahagyang bahagi, sa pagkilala at pagpapatupad ng mga epektibong kasanayan para sa pagpapabuti ng access para sa mga taong may LEP. Ang itinalagang tanggapan o opisyal ay magmumungkahi ng mga epektibong kasanayan sa pinuno ng ahensya upang matiyak na ang mga patakaran at pamamaraan ay epektibong pinangangasiwaan.
- Bumuo ng mga patakaran at pamamaraan para sa pagtanggap at pagtugon sa mga alalahanin o reklamo sa tulong sa wika mula sa mga customer na may LEP at mga customer na may kapansanan na nangangailangan ng mga karagdagang tulong o serbisyo para sa epektibong komunikasyon ng mga programa at aktibidad na pinondohan o pinangangasiwaan ng HHS at magtatag ng mga patakaran at pamamaraan upang mapabuti ang serbisyo.
- Tiyakin ang mga patakaran, pamamaraan, at lahat ng mga aktibidad ng tulong sa wika ay binuo at ipinapatupad alinsunod sa Pambansang Pamantayan para sa Kultural at Wikang Nararapat na Serbisyong Pangkalusugan at Pangangalaga sa Kalusugan (National Standards for Culturally and Linguistically Appropriate Services in Health and Health Care, CLAS).
- Makibahagi sa mga patakaran at pamamaraan ng Language Access Steering Committee, na nagtatampok sa mga maaaring maging mas epektibo o mahusay kung pinagtibay sa isang malawak na batayan ng Kagawaran - o pamahalaan upang maisama ng Language Access Steering Committee ang impormasyon sa taunang ulat ng pag-unlad.
- Patuloy na mangolekta at magbahagi ng mga sukatan upang masubaybayan ang pagpapatupad at pagiging epektibo ng plano. Maaaring kabilang dito, ngunit hindi limitado sa: pagsasagawa ng isang imbentaryo ng mga wika na madalas na nakakatagpo, pagtukoy sa mga pangunahing mga paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng komunidad ng LEP ( kung sa telepono, personal, sulat, web-based, atbp.), pagsusuri ng mga programang bahagi at aktibidad para sa pag-access ng wika, pagpapanatili ng imbentaryo kung sino ang dumalo ng pagsasanay sa pag-access ng wika (kabilang ang mga paksa na tinalakay), pagsusuri sa taunang gastos ng mga serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon, at pagkonsulta sa mga kasosyo sa labas o mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan.
ELEMENTO 5: Abiso sa Pagkakaroon ng Tulong sa Wika ng Walang Bayad
Sa simpleng wika, ang bawat ahensya ng HHS ay magbibigay ng aktibong impormasyon sa mga indibidwal na may LEP na ang tulong sa wika ay magagamit nang walang bayad sa pamamagitan ng HHS o mga entidad na pinondohan ng HHS.
Paglalarawan:
Ang mga ahensya ng HHS ay dapat gumawa ng mga makatwirang hakbang upang matiyak ang makabuluhang pag-access sa kanilang mga programa at aktibidad ng mga taong may LEP, kabilang ang pag-abiso sa mga taong may LEP na kasalukuyan o mga potensyal na customer sa pagkakaroon ng tulong sa wika nang walang bayad. Ang mga paraan ng abiso ay dapat magsama ng mga poster sa maraming wika, palatandaann, at brosyur, pati rin ang mga pahayag o mga tagline na sinulat sa mga form ng aplikasyon sa wikang Ingles at iba pang materyal na nagbibigay ng impormasyon na ipinamamahagi sa publiko, kabilang ang mga elektronikong form tulad ng mga website ng ahensya. Ang mga resulta mula sa pagsusuri ng Elemento 1 ay dapat gamitin upang ipaalam sa ahensya ang mga wika kung saan dapat isalin ang mga abiso, ngunit ang mga programa at aktibidad ng kalusugan ng HHS ay dapat magbigay ng ilang impormasyon sa 15 pinaka-karaniwang sinasalita na mga wika ayon sa pinakabagong nauugnay na data at mahalagang impormasyon sa huling gumagamit. Sa pinakamababa, ang mga ahensya ay dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa mga karapatan sa kawalan ng diskriminasyon at ang pagkakaroon ng tulong sa wika at mga karagdagang tulong sa 15 pinaka-karaniwang sinsalita na mga wika sa estado ayon sa pinakabagong nauugnay na data mula sa Kagawaran ng Sensus ng U.S. Magbibigay ang OCR ng mga halimbawa sa abiso sa lahat ng naturang wika.
Inirerekomenda din ng OCR na abisuhan ng mga ahensya ang mga taong may kapansanan na sila ay may karapatan sa komunikasyon sa ahensya na kasing epektibo ng komunikasyon sa iba, kabilang ang sa pamamagitan ng libre at napapanahong pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng naaangkop na mga pantulong at serbisyo.
Mga Hakbang sa Pagkilos:
- Magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable para sa pagbuo at pagpapatupad ng isang estratehiya ng ahensya para sa pag-abiso sa mga indibidwal na may LEP at mga tong may kapansanan na nakikipag-ugnayan sa ahensya o ang kinokontak ng ahensya, na ang tulong sa wika ay available para sa kanila nang walang bayad.
- Ipamahagi at gawing available ang mga mapagkukunan, tulad ng Gabay sa Tatanggap ng Pederal na Tulong Pinansiyal Tungkol sa Paggalang sa Batas na Titulo VI Laban sa Diskriminasyon Batay sa Pambansang Pinagmulan na Nakakaapekto sa Taong May Limitadong Kaalaman sa Ingles (Guidance to Federal Financial Assistance Recipients Regarding Title VI Prohibition Against National Origin Discrimination Affecting Limited English Proficient Persons, HHS LEP Guidance)34 ng Kagawaran at Mga Gabay ng Pederal sa Simpleng Wika, nang direkta at sa internet sa lahat ng kasalukuyang mga tatanggap, mga provider, kontratista,35 at mga vendor.
- Magbigay ng patuloy na pagsasanay at teknikal na tulong na kinakailangan upang malaman ng mga entidad na pinondohan ng HHS na ang mga serbisyong tulong sa wika na ibinibigay upang sumunod sa Titulo VI at Seksyon 1557 ay dapat ibigay nang walang bayad sa mga nangangailangan ng mga serbisyong tulong sa wika.
- Sa bawat taon ng pananalapi, magsumite ng katwiran sa badyet para sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng mensahe upang mapataas ang kamalayan sa mga available na serbisyo ng tulong sa wika.
- Gumamit ng iba't ibang paraan at network, kabilang ang mga anunsyo ng pampublikong serbisyo, di-Ingles na media, at mga mapagkukunan na nakabatay sa komunidad at pananampalataya upang matiyak na ang mga komunidad ng LEP na pinaglilingkuran ng ahensya ay may kamalayan na ang mga serbisyong tulong sa wika ay ibinibigay nang libre sa kanila. Bilang karagdagan, maghanap ng mga pagkakataon upang ipaalam sa mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan at mga indibidwal na may LEP na ang Patnubay ng HHS LEP ay available din sa mga wika maliban sa Ingles.
- Bumuo at malinaw na magpakita ng mga naaangkop na mga tagline ng wika sa mahahalagang dokumento, mga web page na kasalukuyang available sa Ingles lamang, o available lamang sa isang limitadong bilang ng mga di-Ingles na wika, teknikal na tulong, at mga materyales sa outreach, pati na rin ang iba pang mga dokumento na nag-aabiso sa mga hinahangad na madla na ang tulong sa wika ay available nang walang bayad at kung paano nila ito makukuha.
- I-highlight ang pagkakaroon ng mga materyales na nakatuon sa gumagamit sa simpleng wika at mga wika maliban sa Ingles sa mga website ng Kagawaran at tiyaking ipagbigay alam sa mga indibidwal na may LEP ang tungkol sa mga available na serbisyo ng tulong sa wika.
ELEMENTO 6: Pagsasanay sa Kawani
Ang bawat ahensya ng HHS ay mangangako ng mga mapagkukunan at magbibigay ng pagsasanay sa mga empleyado kung kinakailangan upang matiyak na nauunawaan at maipapatupad ng pangasiwaan at kawani ang mga patakaran at pamamaraan ng planong ito at Plano ng Pag-acces sa Wika ng kani-kanilang ahensya. Ang pagsasanay na dinisenyo ng HHS at ahensya ay dapat ding tiyakin na ang lahat ng mga empleyado ng HHS ay may access sa impormasyon ng pagganap at mga pagkakataon sa pagsasanay na sumusuporta sa kanilang kapasidad at kakayahang magbigay ng makabuluhang komunikasyon sa mga indibidwal na may LEP.
Dapat isama ang mga sumusunod na bahagi sa pagsasanay ng kawani:
- Ang mga legal na obligasyon ng Kagawaran at ahensya na magbigay ng mga serbisyo ng tulong sa wika.
- Mga mapagkukunan sa pag-access ng wika ng Kagawaran at ahensya at mga itinalagang punto ng pakikipag-ugnayan.
- Pagtukoy sa mga pangangailangan ng wika ng isang LEP na indibidwal.
- Makipagtulungan sa isang interpreter nang personal o sa telepono.
- Humihiling ng mga dokumento para sa pagsasalin.
- Pag-access at pagbibigay ng mga serbisyo ng tulong sa wika sa pamamagitan ng mga marunong sa maraming wika na empleyado, mga interpreter at tagasalin sa loob ng kompanya, o mga kontratang tauhan.
- Mga tungkulin ng propesyonal na responsibilidad na may paggalang sa mga indibidwal ng LEP.
- Etika ng interpreter.
- Pagsubaybay sa paggamit ng mga serbisyo ng tulong sa wika.
- Mga tip sa pagbibigay ng makabuluhang tulong sa mga indibidwal ng LEP.
- Paano humiling ng mga serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon.
- Paano maaaring humiling ang publiko ng mga serbisyo o maghain ng reklamo.
Ang online na pagsasanay ay dapat na available sa lahat ng mga empleyado sa isang regular na batayan.
Paglalarawan:
Upang matiyak na nauunawaan ng mga empleyado ng HHS ang kahalagahan ng at may kakayahang magbigay ng parehong mga serbisyo ng tulong sa interpretasyon at nakasulat na wika ng pagsasalin sa lahat ng kanilang mga programa at aktibidad sa mga indibidwal na may LEP, isinasaalang-alang ng mga manedyer at mga empleyado na nakaharap sa publiko ang pagsasanay kung paano magbigay ng mga serbisyo ng tulong sa wika sa kanilang mga customer sa napapanahong paraan.
Dapat magtalaga ang mga ahensya ng isang tanggapan o opisyal upang regular na subaybayan ang bisa ng pagsasanay sa tulong sa wika na ibinigay sa mga manedyer o kawani na nakaharap sa publiko.
Mga Hakbang sa Pagkilos:
- Magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable para sa pagbuo, pagpapatupad, at paggawa ng mga mapagkukunan na kinakailangan upang sanayin ang mga itinalagang empleyado ng ahensya upang ipatupad ang mga elemento ng planong ito na tumutugon sa paghahatid ng mga serbisyo ng tulong sa wika.
- Bumuo ng isang proseso na tinitiyak ang pangkalahatang kamalayan ng mga empleyado sa kani-kanilang plano ng ahensya.
- Tukuyin kung sinong mga miyembro ng kawani ang dapat makatanggap ng pagsasanay sa pagbibigay ng mga serbisyo ng tulong sa wika at may kaugnay na patakaran, pamamaraan, at epektibong kasanayan.
- Makipagtulungan sa mga tanggapan ng pangasiwaan at komunikasyon ng ahensya upang ipaalam sa mga empleyado na ang kanilang ahensya ay nagbibigay ng tulong sa wika at ipaalam sa mga empleyado kung paano magbigay ng tulong o kung hindi man makipag-ugnayan sa tanggapan o opisyal na responsable sa pagtiyak ng pagkakaloob ng mga serbisyo ng tulong sa wika.
- Ipalaganap ang mga materyal ng pagsasanay, kung bagong binuo o dati nang nariyan, na tumutulong sa pangasiwaan at kawani sa pagkuha at pagbibigay ng makabuluhang komunikasyon para sa mga indibidwal na may LEP. Ang pederal na sistema ng pamamahala ng pag-aaral (federal learning management system, LMS) ay maaring isang kapaki-pakinabang na mapagkukunan upang kumunsulta para sa mga materyales sa pagsasanay tungkol sa, halimbawa, ang Seksyon 508 at mga pamantayan ng CLAS.
- Bumuo ng dedikadong webpage ng mapagkukunan sa intranet ng mga ahensya na maaaring magsilbing repositoryo ng Standard Operating Procedures, mga dokumento ng patnubay, mga materyales, mga pagkakataon sa pagsasanay, atbp.
ELEMENTO 7: Pagsusuri at Pananagutan: Pag-access, Kalidad, Mapagkukunan, Pag-uulat
Regular na susuriin ng bawat ahensya ng HHS ang kahusayan sa pag-access at kalidad ng mga aktibidad ng tulong sa wika na available sa mga indibidwal na may LEP at mga indibidwal na may kapansanan, panatilihin ang isang tumpak na rekord ng mga serbisyo ng tulong sa wika na ibinigay ng ahensya, idokumento ang mga
mapagkukunan sa pananalapi at kawani na nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa wika, at taunang mag-ulat ng progreso na ginawa upang ganap na ipatupad ang planong ito.
Paglalarawan:
Upang madagdagan ang availability at kalidad ng mga serbisyo ng tulong sa wika, ang mga ahensya ay dapat magtalaga ng isang tanggapan o opisyal upang magtatag ng isang sistema upang taunang masuri ang programa ng tulong sa wika ng kanilang ahensya at gumawa ng mga rekomendasyon para sa mga pagpapabuti. Sa partikular, susuriin ng itinalagang tanggapan o opisyal ang bisa at availability ng mga serbisyong ibinigay sa mga indibidwal na may LEP at mga taong may kapansanan, kabilang ang oras ng paghihintay ng customer; kalidad ng mga nakasulat na pagsasalin at paggamit ng interpretasyon sa naaangkop na mga paraan ng komunikasyon; mga hadlang sa pagbibigay ng mga serbisyo; at pangkalahatang kasiyahan ng customer sa mga serbisyong tulong sa wika na ibinigay.
Mga Hakbang sa Pagkilos:
- Magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable para sa pagbuo, pagpapatupad, at pagsasagawa ng mga mapagkukunan na kinakailangan upang regular na subaybayan at taunang suriin ang mga kaugnay na kasanayan at pamamaraan, na nakatuon sa pag-unlad na ginawa ng ahensya upang mapabuti at matiyak ang kalidad at katumpakan ng serbisyong tulong sa wika na ibinigay sa mga indibidwal na may LEP at mga taong may kapansanan, habang tinutugunan din ang mga hamon.36
- Ipatupad ang mga pamamaraan para sa pagsukat ng mga pagpapabuti sa pag-access ng wika sa mga indibidwal na programa at aktibidad at gumawa ng mga hakbang upang matiyak na ang mga naturang impormasyon ay nakolekta sa paraang nagpapataas ng paghahambing, katumpakan, pagkakapare-pareho sa mga programa at aktibidad at isinasaalang-alang ang patnubay na ibinigay ng Language Access Steering Committee.
- Ipatupad ang isang proseso ng ahensya upang taunang mag-ulat sa Language Access Steering Committee sa pag-unlad ng ahensya na nagpapatupad ng bawat elemento ng planong ito, mga epektibong kasanayan, at mga hadlang sa pagpapabuti ng kanilang programa sa pag-access ng wika, alinsunod sa mga panahon ng pag-uulat sa Language Access Steering Committee.
- Pagtugon, alinsunod sa mga patakaran at pamamaraan na binuo sa ilalim ng Elemento 4, mga reklamo na natanggap tungkol sa mga serbisyo at produkto ng tulong sa wika, o iba pang mga serbisyo na ibinigay ng ahensya, sa isang napapanahong paraan, at panatilihin ang isang talaan ng anumang paglutas ng mga naturang reklamo. Sa tuwing posible, ang mga resolusyon at kasunduan ay dapat isapubliko.
- Ipatupad ang mga paraan para sa pagsukat ng mga pagpapabuti sa pag-access ng wika sa mga indibidwal na programa at aktibidad at gumawa ng mga hakbang upang matiyak na ang naturang impormasyon ay nakolekta at iniulat sa Language Access Steering Committee.
ELEMENTO 8: Konsultasyon sa mga Kasosyo sa Kalusugan at mga Serbisyong Panlipunan
Ang bawat ahensya ng HHS ay makikipag-usap sa mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan at mga gumagamit, alinsunod sa mga ito at iba pang mga pederal na patakaran, upang matukoy ang mga pangangailangan sa tulong sa wika ng mga indibidwal na may LEP, ipatupad ang naaangkop na mga estratehiya sa pag-access ng wika upang matiyak na ang mga indibidwal na may LEP ay may makabuluhang pag-access alinsunod sa mga pagsusuri ng pangangailangan ng customer at kapasidad ng ahensya, at suriin ang pag-unlad sa isang patuloy na batayan. Ang impormasyong ibinigay nila ay dapat na malawakang ibahagi sa loob ng bawat ahensya at ng Kagawaran sa kabuuan. Ang mga ahensya ay dapat magsikap upang maiwasan ang pagtatanong sa kanila ng impormasyon na dati na nilang ibinahagi sa Kagawaran.
Kapag ang mga serbisyo ng tulong sa wika ay hindi madaling makuha o ang isang indibidwal na may LEP o isang taong may kapansanan ay hindi alam ang tungkol sa pagkakaroon ng mga serbisyo ng tulong sa wika, ang mga indibidwal na may LEP at mga taong may kapansanan ay mas malamang na hindi makibahagi sa o makinabang mula sa mga programa at serbisyo ng HHS. Bilang resulta, maraming taong may LEP at mga taong may kapansanan ang maaaring hindi humingi ng mga benepisyo, programa, at serbisyo ng HHS; maaaring hindi maghain ng mga reklamo; at maaaring hindi magkaroon ng access sa kritikal na impormasyon na ibinigay ng ahensya dahil sa limitadong pag-access sa mga serbisyo ng tulong sa wika. Ang mga organisasyon na may makabuluhang pagkikipag-ugnayan sa mga taong may LEP, tulad ng mga paaralan, relihiyosong organisasyon, mga grupo ng komunidad, at mga grupo na nagtatrabaho kasama ang mga bagong imigrante ay maaaring maging lubhang kapaki-pakinabang sa pag-uugnay ng mga taong may LEP sa mga programa ng HHS at mga serbisyo ng tulong sa wika nito. Ang mga organisasyong nakabase sa komunidad ay nagbibigay ng mahalagang kontribusyon sa proseso ng pagpaplano sa pag-access ng wika at kadalasang makakatulong sa pagtukoy sa mga populasyon kung kanino kinakailangan ang outreach at kung sino ang makikinabang sa mga programa at aktibidad ng HHS. Maaari rin silang maging kapaki-pakinabang sa pagrerekomenda kung aling mga materyales sa outreach ang dapat isalin ng HHS. Habang isinasalin ang mga dokumento, maaaring makatulong ang mga organisasyong nakabase sa komunidad na isaalang-alang kung ang mga dokumento ay isinulat sa naaangkop na antas para sa madla. Ang mga organisasyong nakabase sa komunidad ay maaari ring magbigay ng mahalagang puna sa ahensya upang matulungan ang HHS na matukoy kung ang mga serbisyo ng tulong sa wika nito ay makabuluhan sa pagharap sa mga hadlang sa wika para sa mga taong may LEP.
Paglalarawan:
Ang mga ahensya ay maaaring makakuha ng mahalagang impormasyon at pananaw mula sa mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan. Maaaring kritikal ang mga imporamasyong ito para sa pagsasagawa ng pagsusuri sa pangangailangan, kapasidad, at kahusayan sa pag-access sa ilalim ng mga Elemento 1 at 7. Ang mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan ay maaaring magbigay sa mga ahensya ng kwalitatibo at unang-kamay na impormasyon sa mga pangangailangan ng kasalukuyan at potensyal na mga indibidwal na may LEP.
Ang terminong "mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan" ay dapat palaging isama sa mga benepisyaryo, ngunit dapat din itong tingnan nang mas malawak upang isama hindi lamang ang mga tatanggap ng pederal na tulong pinansyal, kundi pati na rin ang mga kontratista, mga samahang nagsusulong, mga institusyong pangrelihiyon, mga organisasyong hindi pamahalaan, mga tagapangasiwa ng ospital, mga tagaseguro sa kalusugan, mga tagasalin, mga interpreter, mga klinika sa kalusugan ng komunidad, at mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng komunidad ng wika, mga indibidwal na may kapansanan, atbp. Maaari ring gumamit ang mga ahensya ng mga pag-aaral, ulat, o iba pang may kaugnayan na materyales na ginawa ng mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan bilang mga uri ng input.
Ang mga konsultasyon ay maaaring magkaroon ng iba't ibang anyo, mula sa pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng mga townhall-style na webcast, (video) kumperensiyang tawag,liham, at mga personal na pagpupulong sa mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan, hanggang sa pag-post ng impormasyon sa mga website ng ahensya para sa pampublikong komento. Ang mga ahensya ay hindi dapat maghintay na lapitan ng mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan ngunit dapat magkusa at aktibong maghanap ng mga pagkakataon upang makisali sa kanila. Hindi rin dapat asahan ng mga ahensya na ang mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan ay magkakaroon ng pagpupulong sa oras at lugar na maginhawa para sa pamahalaan. Bilang mga pampublikong tagapaglingkod, ang mga ahensya ay dapat handang kumunsulta sa mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan sa oras, lugar, at paraaan na pinakamainam na magbigay-daan sa bukas na komunikasyon.
Batid na ang pagsasalin ng mahahalagang dokumento ay maaaring magastos at napakatagal, inaanyayahan ang mga kalahok na magbigay ng input sa pagtukoy kung aling mga dokumento ang dapat bigyang prayoridad para sa pagsasalin.
Mga Hakbang sa Pagkilos:
- Magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable para sa pagkilala at pagbuo ng mga pagkakataon upang isama ang mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan sa pagpapaunlad ng mga patakaran at kasanayan na nagpapahusay sa pag-access sa mga programa at aktibidad ng ahensya para sa mga taong mgay LEP at mga taong may kapansanan.
- Magplano at i-koordina ang mga usapan kasama ang mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan upang suriin ang kakayahan sa pag-access, katumpakan, pagiging naaangkop sa kultura, at pangkalahatang kalidad ng mga serbisyo ng tulong sa wika ng ahensya.
- Ibahagi ang Plano sa Pag-access ng Wika at mapagkukunan ng HHS kasama ang mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan sa isang madaling paraan at humingi ng kanilang feedback. Isama ang input ng kalahok sa pangangalagang pangkalusugan sa HHS at mga Plano sa Pag-access ng Wika ng ahensya, kung naaangkop at naaayon sa planong ito.
- Taunang lumahok sa hindi bababa sa isang sesyon ng pakikinig, ito man ay inorganisa ng isang partikular na ahensya o ng HHS sa kabuuan, upang malaman ang tungkol sa mga hamon at pagkakataon para sa pagpapabuti sa programa sa pag-access ng wika ng ahensya. Ang mga sesyon ng pakikinig na ito ay dapat magresulta sa mga konkretong hakbang ng ahensya.
- I-post ang mga Plano sa Pag-access ng Wika at mga mapagkukunan ng ahensya sa mga website ng ahensya sa mga naa-access na format, at sa maraming wika, pati na rin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan upang makatanggap ng mga katanungan at komento. Kung posible, dapat magbahagi ang mga ahensya ng kaugnay na data at impormasyon na nauugnay sa pag-access ng wika sa mga kasosyo sa pangangalagang pangkalusugan at serbisyong panlipunan.
ELEMENTO 9: Digital na Impormasyon
Ang bawat ahensya ng HHS ay bubuo at magpapatupad ng mga tiyak na nakasulat na patakaran at estratehikong pamamaraan upang matiyak na, alinsunod sa mga pagsusuri ng mga pangangailangan ng LEP, ang mga pangangailangan ng mga taong may kapansanan, at kapasidad ng ahensya, ang digital na impormasyon ay naangkop, magagamit at naa-access ng mga taong may LEP na nangangailangan ng mga serbisyo ng tulong sa wika sa mga wika maliban sa Ingles.
Paglalarawan:
Upang matiyak na ang mga indibidwal na may LEP ay may digital/online na pag-access sa impormasyon at serbisyo ng programa sa sariling wika, at upang matiyak na alam nila at maaaring makakuha ng tulong sa wika na kinakailangan upang ma-access ang mahaalagang impormasyon at serbisyo ng programa, ang bawat ahensya ay magtatalaga ng isang tangggapan o opisyal na responsable para sa at may kakayahang magtatag at magpanatili ng isang sistema na maayos na nagbibigay ng impormasyon sa sariling wika sa online na paraan na nagtataguyod ng makabuluhang pag-access para sa mga indibidwal na may LEP. Bilang karagdagan, regular na susubaybayan ng itinalagang tanggapan o opisyal ang bisa, kalidad, kakayahang mabasa, at pagiging naa-access ng mga isinalin na materyales na ibinibigay online upang itaguyod ang madaling paggamit at pag-access.
Hinihikayat ang mga bahagi na makipagtulungan sa kanilang kawani ng nilalaman ng internal na website at sa Tanggapan ng Punong Opisyal ng Impormasyon (Office of the Chief Information Officer, OCIO) upang regular na suriin at subaybayan ang isinalin na digital na nilalaman upang mapabuti ang makabuluhang pag-access para sa mga taong may LEP.
Ang Kagawaran at ang mga bahagi nito ay dapat ding sumunod sa Seksyon 508 ng Batas sa Rehabilitasyon ng 1973 (Seksyon 508),37 na nangangailangan sa mga pederal na ahensya na tiyakin na ang kanilang teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon, kabilang ang mga website, elektronikong dokumento, at mga aplikasyon ng software, ay naa-access sa mga indibidwal na may kapansanan. Ang mga bahagi ay dapat makipagtulungan sa OCIO at sa kanilang sariling mga Manedyer ng Programa ng Seksyon 508 upang matiyak na ang isinalin na digital na nilalaman ay nakakatugon sa mga kinakailangan sa Seksyon 508 upang mapabuti ang pag-access para sa mga taong may kapansanan.
Bilang karagdagan sa mga kinakailangan ng Seksyon 508, hinihiling ng Seksyon 504 na gumawa ang HHS ng mga naaangkop na mga hakbang upang matiyak ang epektibong komunikasyon sa mga taong may kapansanan, kabilang ang sa pamamagitan ng pagbibigay ng naaangkop na mga karagdagang tulong, paggamit ng prinsipyong simpleng wika, at mga serbisyo tulad ng mga interpreter sa wika ng senyas. Halimbawa, sa mga virtual na pagpupulong, nangangahulugan ito na maaaring kailanganin ang HHS na magbigay ng interpreter sa wika ng senyas at ang plataporma para sa virtual na pagpupulong na ginamit ay dapat magkaroon ng kakayahang mag-accomodate ng isang screen para sa isang interpreter sa wika ng senyas na maaaring makita ng taong may kapansanan na nangangailangan ng interpreter.38 Hinihikayat din ang mga bahagi na magbigay ng napapanahong impormasyon, tulad ng mga deadline o mahahalagang pagbabago sa patakaran, sa pamamagitan ng mga video sa wika ng senyas.39
Mga Hakbang sa Pagkilos:
- Magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable para sa at may kakayahang magtatag at magpanatili ng isang sistema na epektibong namamahagi ng impormasyon sa sariling wika online sa paraang nagtataguyod ng makabuluhang pag-access para sa mga indibidwal na may LEP, at regular na sinusubaybayan ang pagiging epektibo, kalidad, pagiging madaling mabasa, at pagiging abot-kamay ng mga isinalin na materyales.
- Malinaw na ipakita ang mga link at/o simbolo sa kanang sulok sa itaas ng website ng ahensya sa wikang Ingles, sa mga pahina at dokumento na available din para sa panonood o pag-download sa mga wika maliban sa Ingles kabilang ang wika ng senyas.
- Malinaw na ipakita ang mga link sa homepage ng ahensya sa wikang Ingles na epektibong magtutulak sa mga bisita sa mga serbisyo ng interpreter sa telepono sa wika ng bisita.
- Ipaalam sa mga bisitang may LEP sa mga webpage ng HHS na available ang tulong sa wika nang walang bayad alinsunod sa mga hakbang sa pagkilos na nakabalangkas sa Elemento 5, kabilang ang teknikal na suporta sa maraming wika at mga alternatibo para sa mga indibidwal na hindi marunong gumamit ng digital na mga lugar.
- Maglingkod sa hindi bababa sa isang grupo na nagtatrabaho sa inter- at/o intra-agency na nakatuon sa bahagi sa paggawa ng mga website ng gobyerno na mas madaling ma-access ng mga taong may LEP sa maraming wika at mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng iba't ibang anyo ng multimedia.
- Gamitin at itaguyod ang mga mapagkukunan sa www.lep.gov sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga link sa website ng LEP.gov sa mga website ng ahensya at programa.
- Bumuo ng mga pamamaraan para sa paglikha , pag-post, at pag-update ng website na may nilalamang iba't ibang wika, mga digital na materyales, at mga post sa social media na naa-access sa lahat ng madla.
- Gamitin ang social media, pagpapalaganap ng email, at/o text message upang madagdagan ang kamalayan at paggamit ng mga programa ng ahensya, aktibidad, serbisyo ng tulong sa wika, at mga produkto na available sa mga wikang hindi Ingles ng mga indibidwal na may LEP at mga taong may kapansanan.
- Gamitin ang mga digital na patakaran ng HHS at Pantay-pantay na Pamantayan sa Web ng U.S. para sa patnubay at mga pagpipilian sa pagpapakita ng maraming wika: https://designsystem.digital.gov/components/language- selector/.
- Magsagawa ng pagsusuri ng paggamit sa mga bisita na may LEP bawat dalawang (2) taon upang mangolekta ng data (kabilang ang magkakasalubong at nahiwahiwalay na data sa demograpiya), tukuyin ang mga katangian, at mga bahagi na maaaring kailangang tugunan upang mapabuti ang pag-access at pag-navigate ng mga webpage, produkto, o serbisyo online. Pamahalaan ang mga inaasahan ng mga bisita sa pamamagitan din ng pagsasaalang-alang sa mga pinakamahusay na kasanayan ng URL at pangkalahatang pag-andar ng site. Kapag nagpapakita ng mga form, isaalang-alang kung ano ang karanasan ng user kapag nag-click sa mga button ng tawag sa aksyon at ang kanilang paglalakbay sa digital na ekosistema. Tiyakin na ang maramihang mga apilyedo, maikling pangalan, at/o diakritiko ay tinatanggap sa mga nilikhang field.
- Regular na subaybayan ang pagiging epektibo, kalidad, madaling mabasa, at pagiging naa-access ng mga isinalin na materyales na ibinigay online upang itaguyod ang madaling paggamit at pag-access. Regular na isaalang-alang at suriin ang mga pagsulong sa teknolohiya tulad ng artipisyal na katalinuhan, kabilang ang pagkatuto ng makina, upang mapabilis ang pagsasalin habang nagsasagawa ng mga kwalipikadong tao na tagapagsalin at mga editor para sa pagsusuri.
- Bumuo ng mga pagsisikap sa pamantayan at regular na suriin sa pamamagitan ng data (kabilang ang magkakasalubong at nahiwahiwalay na data), analisis, feedback ng user, at mga mekanismo ng feedback ng customer tulad ng mga survey sa kasiyahan ng customer (sa sariling wika) upang masuri ang pagiging kapaki-pakinabang ng impormasyon upang matukoy at matugunan ang mga puwang at pagtuunan ang mga mapagkukunan sa kritikal na impormasyon at serbisyo online.
- Panatilihin ang isang listahan ng lahat ng nilalaman ng sariling wika na ibinigay sa mga webpage ng ahensya o hiwalay na mga website.
- Para sa mga virtual na pagpupulong, tiyaking nagbibigay ang ginagamit na plataporma ng pribadong kapsiyon at pinapagana ng host ang function ng kapsiyon. Bilang pinakamahusay na kasanayan, isaalang-alang ang paggamit ng napapanahong serbisyong pagsasalin tulad ng Communication Access Realtime Translation (CART) upang matiyak ang mas mahusay na katumpakan ng mga kapsiyon.
- Para sa mga virtual na pagpupulong, tiyaking ang mga kalahok ay may kakayahang mag-highlight ng screen ng ibang kalahok at patuloy na tumuon sa screen na iyon upang ang mga gumagamit ng wika ng senyas ay makapag-focus sa interpreter sa wika ng senyas, kahit na hindi nagsasalita ang interpreter.
- Bilang pinakamahusay na kasanayan para sa mga virtual na pagpupulong, bigyan ang mga dadalo ng opsyon na humiling nga mga karagdagang tulong at serbisyo o makatwirang mga pagbabago sa imbitasyon sa pagpupulong upang ang mga indibidwal na may kapansanan ay maaring lumahok sa pagpupulong. Sa pagsasagawa, ito ay karaniwan na ang mga kahilingan para sa pag-kapsiyon at/o interpreter sa wika ng senyas upang ang mga dadalo na may kapansanan ay maaaring lumahok. Ang imbitasyon ay maaaring humiling na ang anumang mga kahilingan para sa mga karagdagang tulong at serbisyo o makatwirang mga pagbabago ay gawin sa pamamagitan ng isang tiyak na petsa bago ang pagpupulong upang bigyan ang organizer ng pagpupulong ng sapat na oras.
ELEMENTO 10: Garantiya at Pagsunod ng mga Tatanggap ng Pondo ng HHS
Titiyakin ng bawat nagbibigay na ahensya ng HHS na mauunawaan at susundin ng mga tatanggap ng award ang kanilang mga obligasyon sa ilalim ng mga batas at regulasyon ng mga karapatang sibil na ipinapatupad ng HHS na humuhiling sa kanila na magbigay ng mga serbisyo ng tulong sa wika. Higit pa, ang bawat nasabing ahensya ay magsisikap na magbigay ng direktang pagpopondo partikular para sa pag-access ng wika, upang madagdagan ang mga mapagkukunan na kinakailangan upang maabot ang mga layunin at pamantayan nito.
Paglalarawan:
Ang mga tatanggap ng mga pondo ng pederal ay dapat sumunod sa mga pederal na batas na karapatang sibil at magbigay ng nakasulat na abiso ng kanilang obligasyon at pagsunod sa mga regulasyon na may kaugnayan sa pag-access ng wika. Ang mga pagsusuri sa programa ay maaaring maglaan ng mga pagkakataon para sa mga tagasuri upang matukoy kung ang mga tatanggap ay sumusunod sa mga regulasyon ng programa at karapatang sibil. Upang matiyak na natutugunan ng mga tatanggap ng pagpopondo ng HHS ang kanilang mga obligasyon sa programa at mga karapatang sibil, ang patnubay sa karapatang sibil at mas mataas na pagsubaybay sa pagsunod ay dapat isama sa mga anunsyo, kinakailangan, at mga patakaran. Ang mga reklamo ay dapat na matugunan sa isang napapanahon at makatwirang paraan.
Mga Hakbang sa Pagkilos:
- Magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable sa pakikipagtulungan sa ASFR o sa naaangkop na tanggapan ng badyet at tiyakin 1) ang pagbuo ng isang mekanismo para sa pagpopondo ng mga serbisyo ng tulong sa wika na ibinibigay ng mga tatanggap; at 2) magtatag ng isang makatwirang iskedyul para sa pagbibigay ng pagpopondo ng mga serbisyo ng tulong sa wika depende sa laki ng tatanggap, populasyon ng serbisyo, at kapasidad para sakupin ang mga gastos para sa mga serbisyo ng tulong sa wika sa pamamagitan ng mga mapagkukunan na hindi pinondohan ng pederal.
- Magtalaga ng isang tanggapan o opisyal na responsable para sa pagtiyak na ang mga tatanggap: 1.) ay may kamalayan sa kanilang mga obligasyon sa pag-access ng wika sa ilalim ng Titulo VI at Seksyon 1557; 2.) may mga plano para sa paglilingkod sa mga taong may LEP at mga taong may kapansanan na tinitiyak na ang kanilang mga programa at aktibidad ay may kakayahang sumunod sa mga kasiguruhan na ibinibigay nila kapalit ng mga pondo ng HHS;40 3.) maunawaan ang proseso para sa pagsasama ng mga linya ng badyet sa kanilang mga panukala para sa pagbibigay ng mga serbisyo ng tulong sa wika;41 4.) taunang iulat ang halaga at uri ng mga serbisyo ng tulong sa wika na ibinigay sa kanilang mga customer at mga wika kung saan ang mga serbisyo ay ibinigay.42 5.) tumanggap, lutasin at idokumento ang mga reklamo sa napapanahong paraan; at 6.) sundin ang gabay at teknikal na tulong na ibinigay ng ahensya.
- Sa pagkonsulta sa tanggapan ng mga grant, bumuo at magsama ng mga kinakailangan sa LEP o pinakamahusay na kasanayan sa mga anunsyo ng pagkakataon sa pagpopondo, hal., hinihiling sa mga aplikante na magsumite ng mga pamamaraan sa pag-access ng wika o mga patakaran sa kanilang mga aplikasyon, na nagbibigay ng mga abiso sa pagkakaroon ng mga serbisyo ng tulong sa wika nang walang bayad, na nagbibigay ng mga mahahalagang dokumento ng programa sa mga nangungunang wika na sinasalita ng mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran, kabilang ang mga badyet sa kanilang mga aplikasyon upang magbigay ng mga serbisyo ng tulong sa wika, na nagpapakita ng kakayahang maglingkod sa mga komunidad na may LEP at mga taong may kapansanan, atbp.
- Sanayin ang mga kawani ng ahensya na nakikipag-ugnayan sa mga entidad na pinondohan ng HHS tungkol sa mga kinakailangan ng Titulo VI at Seksyon 1557 at mag-alok ng mga mapagkukunan sa pagsasanay upang itaguyod ang kamalayan sa Patnubay ng HHS LEP. Tiyakin na ang mga kawani ng programa ng ahensya ay maaaring gumawa ng kasalukuyan at inaasahang tatanggap ng mga pondo ng ahensya na may kamalayan sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng mga pederal na batas at regulasyon sa mga karapatang sibil, lalo na ang mga obligasyon sa ilalim ng Titulo VI at Seksyon 1557 na may paggalang sa pag-access sa LEP, kabilang ang pagtiyak na ang mga taong may LEP ay maaaring gumamit ng mga serbisyo ng tulong sa wika.
- Isama ang mga katanungan tungkol sa kakayahang ma-access ang wika at makabuluhang komunikasyon sa mga pagsusuri sa programa sa lugar ng ahensya, mga kwestyonaryo, o mga survey na dinisenyo upang matukoy ang pagsunod sa mga obligasyon sa pagbibigay ng tulong.
- Tiyakin na ang wika at patnubay sa pagsunod sa mga karapatang sibil ay kasama sa mga materyal ng outreach na programa ng bawat ahensya ng pagbibigay hanggang sa posible, kabilang ang pagtiyak sa pagsunod ng mga kawani ng programa ng tatanggap, mga sub-recipient, at mga kontratista.
- Bumuo ng mga materyales na nakatuon sa tatanggap na nagpapaliwanag ng mga responsibilidad ng tatanggap para sa pagsunod sa mga pederal na batas at regulasyon ng karapatang sibil na may mga link sa kaugnay na patnubay at mga form ng reklamo sa karapatang sibil sa maraming wika at mga format ng multimedia.
- Magbigay at magtaguyod ng mga link sa mga mapagkukunan at mga dokumento ng teknikal na tulong sa (mga) website ng programa ng ahensya na nagbibigay tulong.
APENDISE B: Mga Kahulugan
Tandaan: Ang anumang kaugnay na mga kahulugan na maaaring ibigay sa ilalim ng Seksyon 1557 ay magdaragdag o magpapalit sa malawak na mga kahulugan ng pagtatrabaho na itinakda sa ibaba.
Terminolohiya ng Dokumento | Tinukoy na Terminolohiya |
---|---|
Ahensya | Tumutukoy ang ahensya sa Seksyon ng Pagpapatupad ng HHS (tulad ng CDC, FDA o NIH) at Seksyon ng Kawani (tulad ng Tanggapan ng Karapatang Sibil o Tanggapan ng Kawani ng Kalihim para sa Pampublikong Komunikasyon). Ang Seksyon ng Pagpapatupad ay nakatuon sa mga partikular na programa at aktibidad na pinahintulutan ng Kongreso. Ang Seksyon ng Kawani ay bahagi ng Tanggapan ng Kalihim at nagsisilbi sa tungkuling pangkoordinasyon para sa Kagawaran. |
Aplikante | Sinumang tao na nagtatanong o nagsumite ng aplikasyon para sa mga benepisyo ng pampublikong tulong sa ilalim ng anumang programa o serbisyo. |
Karagdagang tulong at mga Serbisyo | Mga kasangkapan o tulong na ibinigay upang makipag-usap sa mga taong maykapansanan sa komunikasyon. |
Tagapagmana | Sinumang nag-aplay at tumatanggap ng Medicare, Medicaid, o iba pang benepisyo sa kalusugan. |
Kawani na Marunong sa Dalawa/Maraming Wika | Isang miyembro ng kawani na may mataas na kasanayan (hal., kasanayan sa o sa higit sa Federal Interagency Language Roundtable (https://www.govtilr.org/https://www.govtilr.org) antas 3 sa pakikinig, pagbabasa, at pagsasalita o higit sa American Council on the Teaching of Foreign Languages "Mahusay" na antas sa pakikinig, pagbabasa, at pagsasalita)) sa Ingles at hindi bababa sa isang iba pang wika at may kaalaman at karanasan sa dalubhasang terminolohiya na kinakailangan para sa makabuluhang komunikasyon. Ang isang miyembro ng kawani na may simpleng kaalaman lamang sa ibang wika bukod sa Ingles ay hindi dapat ituring na Kawani na Marunong sa Dalawa/Maraming Wika. Hindi dapat mag-interpret o magsalin ang mga Kawani na Marunong sa Dalawa/Maraming Wika maliban kung hiwalay nilang natugunan ang mga kinakailangan ng pagiging kwalipikadong interpreter o tagasalin. Ang mga Kawani na Marunong sa Dalawa/Maraming Wika ay dapat bigyan ng malinaw na mga tungkulin at mga inaasahan tungkol sa kung sila ay nagsasagawa ng kanilang tungkulin sa trabaho sa wika o nagsisilbi bilang mga kwalipikadong mga interpreter o tagapagsalin. Ang pagkakaiba ay dapat gawin sa pagitan ng Kawani na Marunong sa Dalawa/Maraming Wika na nagbibigay ng mga serbisyo nang direkta sa isang di-Ingles na wika (hal., mga kawani sa call center) at ang mga taong nag-iinterpret, dahil ang pagsusuri at mga kasanayan na kinakailangan para sa bawat isa ay magkaiba. |
Sertipiko | Isang akademikong pagkilala na nagpapakita ng matagumpay na pagkumpleto ng isang programa ng pag-aaral, karaniwang batay sa tagal ng oras ng pagtuturo at pinakamababang marka. |
Sertipikasyon | Pagkilala ng institusyon na nagpapakita ng matagumpay na pagpasa sa isang pagsusulit na sumusubok sa kaalaman, kasanayan, at kakayahan na may kaugnayan sa isang trabaho. |
Kontratista | Anumang entidad na nagsasagawa ng trabaho o nagbibigay ng mga serbisyo sa ngalan ng isang ahensya o dibisyon sa ilalim ng kontraktwal na kasunduan na may pagbabalik ng nagastos. |
Customer | Mga indibidwal, negosyo, at organisasyon na nakikipag-ugnayan sa isang ahensya o programa ng HHS. Ang terminong customer ay kasama ang mga benepisyaryo at mga kasosyo sa pangangalangang pangkalusugan at serbisyong panlipunan. |
Digital na Impormasyon | Ang impormasyon, tulad ng tinukoy sa OMB Circular A-130, na ginawa at ibinibigay ng gobyerno nang digital upang matulungan ang mga indibidwal na ma-access ang mga programa at aktibidad na isinasagawa ng HHS kung saan sila ay indibidwal na karapat-dapat na lumahok. Tinukoy ng OMB Circular A-130 ang digital na impormasyon bilang anumang komunikasyon o representasyon ng kaalaman tulad ng mga katotohanan, data, opinyon sa anumang daluyan o anyo, kabilang ang mga anyo ng teksto, numero, grapiko, kartograpiko, naratibo, o audio-biswal na porma. |
Direktang komunikasyon sa "sariling wika" | Komunikasyon sa iisang wika maliban sa Ingles sa pagitan ng isang marunong sa maraming wika na kawani at isang taong may LEP (hal., Koreano patungo sa Koreano). |
Nahiwahiwalay na Data | Data na nagbubukod sa mga subgroup upang magbigay ng pinakamalinaw at detalyadong impormasyon na posible; halimbawa, sa halip na gumamit ng data tungkol sa "mga wikang Asyano" o "Mga Wikang Katutubong Amerikano," ang nahiwahiwalay na data ay magsasaad kung aling mga partikular na wika ang sinasalita ng isang indibidwal o sa antas ng komunidad. Ang nahiwahiwalay na data ay maaari ring magsama ng impormassyon tungkol sa iba't ibang mga dialekto, pati na rin ang mas tiyak na impormasyon ng pambansang pinagmulan. |
Epektibong Komunikasyon | Para sa mga kapansanan sa komunikasyon, tumutukoy ito sa mga tulong at serbisyo upang matiyak na ang komunikasyon sa mga taong may kapansanan, tulad ng mga taong bingi o mahina ang pandinig, ay kasing epektibo ng komunikasyon para sa mga taong walang kapansanan. Ang mga karagdagang tulong at serbisyo ay dapat ibigay kung kinakailangan upang makamit ang epektibong komunikasyon. |
Kasosyo sa Pangangalagang Pangkalusugan at Serbisyong Panlipunan | Ang mga benepisyaryo, kabilang ang mga tatanggap ng pederal na tulong pinansiyal, mga kontratista, mga vendor, mga grupo ng pagtataguyod, mga institusyong panrelihiyon, mga organisasyong hindi pamahalaan, mga tagapangasiwa ng ospital, mga tagaseguro ng kalusugan, mga tagapagsalin, mga interpreter, mga klinika sa kalusugan ng komunidad, at mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng komunidad ng wika, mga indibidwal na may kapansanan, atbp. |
Interpretasyon | Ang kilos ng pakikinig, pag-unawa, pag-aaral, at pagproseso ng isang pasalitang komunikasyon sa isang wika (pinagmulang wika) at pagkatapos ay tapat na binibigkas ito sa isa pang pasalitang wika (target na wika) habang pinapanatili ang parehong kahulugan. Para sa mga indibidwal na may ilang mga kapansanan na nakakaapekto sa komunikasyon, maaaring kabilang dito ang pag-unawa, pag-aaral, at pagproseso ng isang pasalita o komunikasyon sa senyas sa pinagmulang wika at tapat na paghahatid ng impormasyong iyon sa pasalita o senyas sa target na wika habang pinapanatili ang parehong kahulugan. |
Magkakasalubong na Data | Ang data na pinagsasama o kung hindi man ay nagsasama ng impormasyon tungkol sa higit sa isang demograpiko o iba pang katangian; halimbawa, ang magkakasalubong na data ay magsasama ng data tungkol sa pambansang pinagmulan at katayuan ng LEP, at/o data tungkol sa mga kababaihang Katutubong Amerikano ( sa gayon ay sinusuri ang data tungkol sa pagsasalubong ng lahi at kasarian). Maaari rin itong magsama ng data tungkol sa mga antas ng literasiya, antas ng kahirapan, katayuan ng pamilya o iba pang katangian na may kaugnayan sa mga sosyal na salik ng kalusugan. |
Access sa Wika | Ang kakayahan ng mga indibidwal na may LEP na makipag-usap sa mga empleyado at kontratista ng HHS, at makabuluhang matutunan ang tungkol, mag-apply, o lumahok sa mga programa, aktibidad, at serbisyo ng HHS. |
Mga Serbisyo ng Tulong sa Wika | Lahat ng mga serbisyong pasalita, nakasulat, at wikang senyas na kinakailangan upang tulungan ang mga indibidwal na may LEP at mga taong may kapansanan na epektibong makipag-usap sa mga kawani at kontratista ng HHS at makakuha ng makabuluhang pag-access at pantay na pagkakataon na lumahok sa mga serbisyo, aktibidad, programa, o iba pang mga benepisyo na pinangangasiwaan ng HHS. |
Limitadong Kasanayan sa Ingles (Limited English Proficiency, LEP) | Isang indibidwal na hindi nagsasalita ng Ingles bilang kanyang piniling wika at may limitadong kakayahang magbasa, magsulat, magsalita o maunawaan ang Ingles sa paraang nagpapahintulot sa kanya na epektibong makipag-usap sa HHS at magkaroon ng makabuluhang pag-access at pakikilahok sa mga serbisyo, aktibidad, programa, o iba pang mga benepisyo na pinangangasiwaan ng HHS. Ang mga indibidwal na may LEP ay maaaring mahusay sa Ingles para sa ilang uri ng komunikasyon (hal., pagsasalita o pag-unawa), ngunit may limitadong kasanayan sa Ingles sa iba pang mga lugar (hal., pagbabasa o pagsulat). Ang mga pagtatalaga ng LEP ay partikular din sa konteksto; ang isang indibidwal ay maaaring magkaroon ng sapat na mga kasanayan sa wikang Ingles upang gumana sa isang aspeto (hal., makipag-usap sa Ingles sa mga katrabaho), ngunit ang mga kasanayang ito ay maaaring hindi sapat sa iba pang mga aspeto (hal., pagtugon sa mga paglilitis sa korte). Ang isang indibidwal na bingi o mahirap makarinig ay maaari ring magkaroon ng limitadong kasanayan sa pagsasalita o nakasulat na Ingles. |
Machine Translation | Awtomatikong pagsasalin na batay sa teksto at nagbibigay ng mga madaliang pagsasalin sa pagitan ng iba't ibang wika, kung minsan ay may pagpipilian para sa pagpasok ng audio o paglabas ng audio. |
Makabuluhang Pag-access | Tulong sa wika na nagreresulta sa tumpak, napapanahon, at epektibong komunikasyon nang walang bayad sa indibidwal na may LEP na nangangailangan ng tulong. Ang makabuluhang pag-access ay tumutukoy sa pag-access na hindi lubos na pinaghihigpitan, naaantala, o mas mababa kumpara sa mga programa o aktibidad na ibinigay sa mga indibidwal na may kasanayan sa Ingles. |
Kalahok | Sinumang tao na nag-aplay at tumatanggap ng mga benepisyo o serbisyo ng pampublikong tulong sa ilalim ng anumang programa o serbisyo ng HHS. |
Simpleng Wika | Ang simpleng wika tulad ng tinukoy sa Plain Writing Act ng 2010 ay ang pagsusulat na "malinaw, maikli at maayos." |
Pinili/Pangunahing Wika | Ang wikang kinikilala ng mga indibidwal ng LEP bilang piniling wika na ginagamit nila upang epektibong makipag-usap. Ang wikang kinikilala ng mga indibidwal ng LEP bilang piniling wika na ginagamit nila upang epektibong makipag-usap. |
Kwalipikadong Interpreter o Tagapagsalin | Ang isang taong marunong sa dalawa/maraming wika na may naaangkop na pagsasanay at karanasan o nagpapakita ng kakayahang ganap na maunawaan, pag-aralan, at iproseso at pagkatapos ay tapat na magbigay ng pasalita, nakasulat o mensahe ng senyas sa isang wika patungo sa pangalawang wika at sumusunod sa tuntunin ng propesyonal na kasanayan at etika. Sa konteksto ng mga kapansanan, ang isang kwalipikadong interpreter ay isang taong may kakayahang mag-interpret nang epektibo, tumpak at walang kinikilingan, kapwa sa paraan ng pagtanggap at paraan ng pagpapahayag, gamit ang anumang kinakailangang espesyal na bokabularyo. Ang isang bata ay hindi dapat ituring na kwalipikadong tagasalin o interpreter, at hindi rin isang miyembro ng pamilya o empleyado na hindi nakakatugon sa pinakamababang kwalipikasyon na tinukoy sa itaas. |
Pagsasalin-tanaw | Ang pasalita o pasenyas na pagsasalin sa nakasulat na teksto sa pamamagitan ng pagsasalita o pasenyas na wika ng isang interpreter nang walang pagbabago sa kahulugan batay sa isang visual na pagsusuri ng orihinal na teksto o dokumento. |
Wika ng Senyas | Ang mga wika na ginagamit ng mga taong bingi o mahina ang pandinig kung saan ang mga paggalaw ng kamay, kilos, at ekspresyon ng mukha ay naghahatid ng istraktura at kahulugan ng gramatika. Walang unibersal na wika ng senyas. Iba 't ibang wika ng senyas ang ginagamit sa iba' t ibang bansa o rehiyon. Halimbawa, ang British Sign Language (BSL) ay ibang wika mula sa ASL, at ang mga Amerikano na nakakaalam ng ASL ay maaaring hindi maintindihan ang BSL. |
Sub-recipient | Isang entidad na, sa ngalan ng at sa parehong paraan bilang isang tatanggap ng pederal na pinansiyal na tulong, ay nagbibigay ng mga serbisyo sa at may pakikipag-ugnayan sa mga aplikante sa at mga kalahok sa isang programa na pinangangasiwaan ng isang tatanggap ng pederal na pinansiyal na tulong, ngunit hindi kasama ang isang indibidwal na aplikante o kalahok na isang benepisyaryo ng programa. |
Tagline | Maikling mensahe na maaaring kasama sa o naka-attach sa isang dokumento. Ang mga tagline sa mga wika maliban sa Ingles ay ginagamit sa mga dokumento (kabilang ang mga website) na nakasulat sa Ingles na naglalarawan kung paano maaaring makuha ng mga indibidwal na may LEP ang pagsasalin ng dokumento o isang interpreter upang basahin o ipaliwanag ang dokumento. Ang Seksyon 1557 at Titulo VI ay magbibigay ng mga wika na dapat isama sa naturang mga abiso sa tagline ngunit ang mga saklaw na entidad ay maaari ring magdagdag ng higit pang mga wika. |
Pagsasalin | Ang proseso ng pag-convert ng nakasulat na teksto mula sa pinagmulang wika sa katumbas na nakasulat na teksto sa target na wika nang buo at tumpak hangga't posible habang pinapanatili ang estilo, tono, at layunin ng teksto, habang isinasaalang-alang ang mga pagkakaiba ng kultura at diyalekto. |
Mahalagang Dokumento | Papel o elektronikong nakasulat na materyal na naglalaman ng impormasyon na kritikal para sa pag-access sa mga programa o aktibidad ng isang bahagi o kinakailangan ng batas. Kabilang sa mga mahahalagang dokumento ang, ngunit hindi limitado sa: mga kritikal na rekord at abiso bilang bahagi ng kahandaan sa emerhensiya at mga komunikasyon sa panganib; mga aplikasyon sa online at papel; mga form ng pahintulot; mga form ng reklamo; mga liham o abiso na nauukol sa pagiging karapat-dapat para sa mga benepisyo; mga liham o abiso na nauukol sa pagbawas, pagtanggi, o pagwawakas ng mga serbisyo o benepisyo na nangangailangan ng tugon mula sa isang indibidwal na may LEP; mga nakasulat na pagsusulit na sinusuri ang kakayahan para sa isang partikular na lisensya, trabaho, o kasanayan kung saan hindi kinakailangan ang kaalaman sa Ingles; mga dokumento na dapat ibigay ng batas; at mga abiso tungkol sa pagkakaroon ng mga serbisyo ng tulong sa wika para sa mga indibidwal na may LEP nang walang bayad. |
APENDISE C: Mga Kaugnay na Mapagkukunan sa Pag-access ng Wika
Ahensya para sa Pananaliksik at Kalidad ng Pangangalagang Pangkalusugan: https://www.ahrq.gov/teamstepps-program/resources/additional/check-back.html https://www.ahrq.gov/teamstepps-program/resources/additional/cus-words.html
Asosasyon ng mga Amerikanong Tagasalin
https://www.atanet.org/
Komisyon ng Sertipikasyon para sa Mga Interpreter ng Pangangalagang Pangkalusuganhttps://cchicertification.org/
Kagawaran ng Serbisyo sa Wika ng Pamahalaan: Mga Madalas Itanong - Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos
https://www.state.gov/frequently-asked-questions-office-of-language-services/
Pederal na Pangkat ng Nagtutulungang Ahensya sa Pagbuo ng Kahusayan sa Limitadong Pagsasalita ng Ingles (LEP)
www.lep.gov
Mga Patnubay sa Simpleng Wika ng Pederalwww.plainlanguage.gov/howto/guidelines/FederalPLGuidelines/TOC.cfm
Online na Edukasyon sa Kalusugan: Isang Gabay sa Pagsusulat at Pagdidisenyo ng Madaling Gamitin na mga Website ng Kalusugan
https://health.gov/healthliteracyonline/2010/Web_Guide_Health_Lit_Online.pdf
Interagency Language Roundtable
www.govtilr.org/
International Organization for Standardization: Pamantayan para sa Pagsasalin, interpretasyon at kaugnay na teknolohiya (ASTM F43, ISO/TC 37/SC 5) https://www.iso.org/committee/654486.html
Pambansang Plano ng Pagkilos upang Pagbutihin ang Kaalaman sa Kalusugan
www.health.gov/communication/HLActionPlan/
Pambansang Lupon ng Sertipikasyon para sa mga Medikal na Interpreter
https://www.certifiedmedicalinterpreters.org/
National Council on Interpreting in Healthcare
https://ncihc.memberclicks.net/
Tanggapan ng Karapatang Sibil: Mga Mapagkukunan sa Pag-access ng Wika www.hhs.gov/lep
Tanggapan ng Kalusugan ng Minorya: Mga Pamantayan ng Pambansang CLAS
https://thinkculturalhealth.hhs.gov/clas
Endnotes
1 Ang planong ito ay pangunahing nakatuon sa makabuluhang pag-acess para sa mga indibidwal na may LEP, gayunpaman, kinikilala ng Kagawaran ang mga kinakailangan para sa epektibong komunikasyon sa mga taong may kapansanan sa ilalim ng Batas ng mga Amerikanong may Kapansanan, Seksyon 504 Batas sa Rehabilitasyon, at Seksyon 1557 ng Affordable Care Act. Samantalang ang planong ito ay hindi pangunahing nakatuon sa epektibong komunikasyon sa mga indibidwal na may kapansanan, maraming aspeto ng planong ito ay nalalapat din sa pagtiyak na ang mga ahensya ay epektibong nakikipag-ugnayan sa mga taong may kapansanan at, kaya, ang plano ay tumutukoy sa ilan, ngunit tiyak na hindi lahat, sa mga pangangailangan para sa epektibong komunikasyon.
2 2021 Pagsusuri sa Komunidad ng Amerika sa Kagawaran ng Sensus ng U.S, Bakit Kami Nagtatanong Tungkol sa mga Wikang Sinasalita Sa Bahay (Nob. 14, 2022), https://www.census.gov/acs/www/about/why-we-ask-each-question/language/.
3 Tingnan, hal., Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Panlipunan ng U.S., Planong Aksyon ng HHS upang bawasan ang mga pagkakaiba-iba sa kalusugan ng mga Etniko at Lahi: Ulat sa Pag-unlad ng Pagpapatupad 2011-2014, HHS Action Plan to Reduce Racial and Ethnic Health Disparities: Implementation Progress Report 2011-2014 | ASPE.
4 Ang Sentro ng Solusyon sa Pagkakaiba-iba (Set. 2012), https://www.ahrq.gov/sites/default/files/publications/files/lepguide.pdf.
5 Id. sa iii. Tingnan din ang EO 14031, 86 Fed. Reg. sa 29675, Sek. 1 (pagtatala ng mataas na bilang ng LEP sa gitna ng lumalagong mga nasyon ng Asyanong Amerikano (Asian American, AA) at Mga Katutubong Hawaiiano at Pacific Islander (Native Hawaiian and Pacific Islander, NHPI) na mga komunidad, at ang “isolasyon sa [l]engguwahe at ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulong sa sariling wika ang nagiging dahilan kung bakit maraming Asyanong Amerikano at mg Katutubong Hawaiiano at Pacific Islander (AA at NPHI) ang hindi nakakakamit ng maraming oportunidad.
6 Hinihiling ng EO 13985 sa bawat ahensiya na “gumawa ng plano para sa pagtugon sa anumang mga posibleng hadlang na maaaring harapin ng mga komunidad na kulang sa serbisyo at sa pagpapalista ng bawat indibidwal at pag-access sa mga benepisyo at serbisyo sa mga programa ng Pederal.”
7 Itinatag ng EO 13995 ang COVID-19 Health Equity Task Force, na nakatuon sa paggawa ng mga rekomendasyon para sa mga ahensya upang magbigay ng epektibo, komunikasyong naaayon sa kultura, mensahe, at pagtulong para sa mga komunidad na kulang sa serbisyo.
8 Inatasan ng EO 14031 si Kalihim Becerra na maging kasamang chairman ng White House Initiative on Asian American, Native Hawaiins, and Pacific Islanders (WHIAANHPI), isang pederal na pangkat ng nagtutulungang ahensya na nakatuon sa “ pagsulong ng katarungan, hustisya, at oportunidad para sa mga komunidad ng AA at NHPI sa pamamagitan ng koordinasyon sa pagbuo ng Pederal na patakaran ng Iba’t-ibang ahensya at pagsisikap sa pagpapaunlad ng programa upang alisin ang mga hadlang sa katarungan, hustisya at mga oportunidad na kinakaharap ng komunidad ng AA at NHPI.” Ang pag-access ng wika ay isa sa tatlong pangunahing isyu na nakakaapekto sa kalusugan at kapakanan ng mga komunidad ng AA at NHPI.
9 Hinihiling ng EO 14091 sa mga ahensya na “isaalang-alang ang mga pagkakataon . . . upang mapabuti ang pag-access para sa mga taong may kapansanan at mapabuti ang mga serbisyong tulong sa wika upang matiyak na ang lahat ng mga komunidad ay maaaring makipag-ugnayan sa mga ahensya sa mga tanggapan ng karapatang sibil, kabilang ang buong pagpapatupad ng Executive Order 13166 noong Agosto 11, 2000 (Pagpapabuti sa Pag-access ng mga Serbisyo para sa mga Taong may Limitadong Kasanayan sa Ingles).”
10 Ang EO 13166 ay nag-uutos sa mga ahensya ng pederal na pagbutihin ang pag-access sa mga programang pinondohan ng pederal at mga aktibidad ng mga taong may limitadong kasanayan sa Ingles, at upang ipatupad ang sistema kung saan ang mga taong may limitadong kasanayan sa Ingles ay makabuluhang ma-access ng mabuti ang mga serbisyo ng ahensya. Executive Order (EO) 13166, Improving Access to Services for Persons With Limited English Proficiency (Dec. 12, 2000).
11 Ang Seksyon 1557 ng Affordable Care Act ay nagsasaad na “ang bawat indibidwal ay hindi dapat, pinagbabawalan sa ilalim ng Titulo VI ng Batas sa Karapatang Sibil ng 1964 (42 U.S.C. 2000d et seq.) [lahi, kulay, bansang pinagmulan (hal., LEP)].” 42 U.S.C. § 18116 (a).
12 Tingnan ang Equity Action Plan, 3 “(Mula nang ilabas ang EO 13985 noong Enero 20, 2021, ang HHS ay nakatuon sa paggawa ng mga hakbang upang patuloy na itaguyod ang pagsulong ng katarungan, isa sa pangunahing prayoridad para kay Pangulong Biden at Kalihim ng HHS na si Becerra.”), 5 (“Sa Pamumuno ni Kalihim Beccera, inuna ng HHS ang mga pagsisikap na maibalik ang pagbibibigay ng mga serbisyong tulong sa wika na angkop sa kani-kanilang mga programa.”).
13 Memo. mula kay Dep. Sec. Andrea Palm sa mga Namumuno sa Seksyon ng Pagpapatupad at Kawani (Okt. 6, 2022) (sa file ng OCR); Tingnan din ang Pahayag sa Media, HHS Takes Action to Break Language Barriers | HHS.gov (Okt. 6, 2022).
14 Memo. mula sa OCR Dir. Melanie Fontes Rainer para sa mga Pinuno ng Seksyon ng Pagpapatupad at Kawani (Okt.7, 2022) (sa file ng OCR).
15 Id.
16 Palm Memo., 1. Ang Language Access Steering Committee ay may limang subkomite para sa mga miyembro na maaring maging kasapi sa: Pananagutan, Pasalitang Interpretasyon, Teknolohiya ng Impormasyon, Nakasulat na Pagsasalin, at Mapagkukunan para sa Tatanggap ng HHS.
17 Tingnan ang Apendise A.
18 Ang mga terminong naka-bold at nasalungguhitan ay kabilang sa glosaryo sa Apendise B.
19 Layunin lamang ng Plano sa Pag-access ng Wika na ito na mapabuti ang panloob na pamamahala ng mga ahensya ng HHS at hindi lumikha ng anumang karapatan o benipisyo, substantib o prosidyural, maipatutupad sa batas o katarungan ng isang partido laban sa Estados Unidos, ang mga ahensya nito, mga opisyal o empleyado nito, o sinumang tao.
20 Ang Titulo VI ng Batas sa Karapatang Sibil ng 1964, na binago (42 USC § 2000d), ay pinagbabawal ang diskriminasyon batay sa lahi, kulay o bansang pinagmulan (kabilang ang LEP) sa mga programa at aktibidad na tumatanggap ng pederal na tulong pinansyal. Tingnan 45 C.F.R. § 80.
21 Ipinagbabawal ng Seksyon 1557 ng Patient Protection and Affordable Care Act (42 U.S.C. § 18116) ang diskriminasyon sa batayan ng lahi, kulay, o bansang pinagmulan (kabilang ang LEP), kasarian, edad, o kapansanan sa anumang programa o aktibidad sa kalusugan na tumatanggap ng pederal na tulong pinansiyal mula sa HHS o pinamamahalaan ng HHS.
22 Sa partikular, ang mga batas na ito ay nangangailangan na dapat gawin ang makatuwirang hakbang upang magbigay ng makabuluhang pag-access sa mga indibidwal ng LEP (Seksyon 1557; Gabay para sa mga Tatanggap ng Pinansyal na tulong mula sa Pederal Patungkol sa Titulo VI Pagbabawal Laban sa Diskriminasyon ng Bansang Pinagmulan na Nakaaapekto sa mga Taong may Limitadong Kasanayan sa Ingles, 68 Fed. Reg. 47311, 47320 (Ago. 8 2023)), at ang mga indibidwal ay dapat na bigyan ng pantay na pagkakataon para makilahok at makinabang sa mga programa. (Titulo VI, Seksyon 1557).
23 Sa ilalim ng Titulo VI ng Batas sa Karapatang Sibil ng 1964 at ang ipinapatupad na regulasyon, ang pagkabigo ng isang tatanggap ng pederal na tulong pinansyal na gumawa ng mga makatwirang hakbang upang magbigay ng makabuluhang pag-access para sa mga taong may LEP sa mga sakop na programa at aktibidad ay maaaring lumabag sa Titulo VI.
24 May iba’t-ibang legal na pamantayan para sa pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal na may LEP at sa mga may kapansanan, hal., “epektibong komunikasyon” at makabuluhang pag-access,” kaya’t pinanatili natin ang pagkakaiba sa buong proseso.
25 Tingnan 45 C.F.R § 85.51.
26 Ang Titulo II ng Batas para sa Amerikanong may Kapansanan ng 1990 (42 U.S.C. §§ 12131-12134), na binago ng ADA Batas sa mga Pagbabago ng 2008 (ADA Batas sa mga Pagbabago) (Pub. L. 110-325, 122 Stat. 3553 (2008)), ipinagbabawal ang diskriminasyon batay sa kapansanan sa mga pampublikong entidad. Ang mga regulasyon ng ADA ay karaniwang itinalaga sa HHS bilang ahensya na may pananagutan sa pagsisiyasat ng mga reklamo ng diskriminasyon sa “mga programa, serbisyo, at mga regulasyon sa aktibidad na may kaugnayan sa pagbibigay ng pangangalaga sa pangkalusugan at mga serbisyong panlipunan.” 28 C.F.R § 35.190(b)(3).
27 Ang Seksyon 504 Batas ng Rehabilitasyon ng 1973, na binago (29 USC § 794), ay ipinagbabawal ang diskriminasyon laban sa kwalipikadong mga indibidwal batay sa kapansanan sa mga programa at aktibidad na tumatanggap ng pinansiyal na tulong mula sa HHS (45 C.F.R § 84), at mga programa o mga aktibidad na isinagawa ng HHS (45 C.F.R. § 85).
28 Ipinagbabawal ng Sekyon 508 Batas ng Rehabilitasyon ng 1973 (29 USC § 794 (d)) ang diskriminasyon batay sa kapansanan sa impormasyon at teknolohiyang pangkomunikasyon na may kaugnayan nito sa mga programa at aktibidad na isinagawa ng HHS.
29 Bagaman ang pamantayan na ito ay espisipikong tumutukoy sa mga hadlang sa pag-access sa wika para sa mga indibidwal na may LEP, maaaring magamit din ito sa epektibong komunikasyon at mga obligasyon sa pag-access para sa mga indibidwal na may kapansanan. Ang Kagawaran at ang mga bahagi nito ay dapat gumawa ng mga angkop na hakbang upang tiyakin na ang kanilang komunikasyon sa mga indibidwal na may kapansanan ay kasing epektibo ng kanilang komunikasyon sa iba.
30 Tingnan ang Apendise A para sa karagdagang detalye.
31 Samantala ang ilang mga akronim ay isinusulat dito para madaling mabasa, ang iba pang akronim at mga pinaikling salita na ginagamit dito ay isinulat sa Introduksyon at Patakaran sa Pag-access ng Wika at mga sekyon sa Pagpapatupad na dokumento na may pamagat na HHS 2023 Plano sa Pag-access ng Wika, na kinabibilangan ng sanggunian sa mga awtoridad.
32 Ang mga terminong naka-bold at may salungguhit ay kasama sa glosaryo sa Apendise B. Ang terminong “ahensya” ay nangangahulugang ang lahat ng Sekyon ng Pagpapatupad at Kawani. Tingnan ang Apendise B para sa karagdagang detalye.
33 Ang Kagawaran ay obligadong gumawa ng naaangkop na mga hakbang upang matiyak ang epektibong komunikasyon sa mga indibidwal na may kapansanan sa ilalim ng batas Pederal laban sa diskriminasyon, kabilang ang Seksyon 504 ng Batas ng Rehabilitasyon at Seksyon 1557 ng Affordable Care Act. Ang Plano sa Pag-access ng Wika na ito ay naglalaman ng mga rekomendasyon para sa pagpapaunlad ng epektibong komunikasyon, ngunit hindi sumasaklaw sa lahat ng obligasyon ng epeketibong komunikasyon na kinakailangan ayon batas.
34 68 Fed. Reg. 47311 (Ago. 8, 2003)
35 Ayon dito, ang mga kinakailangan sa pag-access ng wika ay dapat kabilang sa pahayag ng gawain upang makatiyak na nakatakda ito sa kontrata. Upang tiyakin na ang mga probisyon ng kontrata ay sumusunod sa batas sa pederal na kontrata, dapat kumunsulta sa Tanggapan ng Kawani ng Kalihim para sa Pinansyal na Mapagkukunan.
36 Tingnan ang Interagency Working Group on Limited English Proficiency’s Foreign Language Services Ordering Guide, https://www.gsa.gov/system/files/Foreign_Language_Services_(1).pdfhttps://www.gsa.gov/system/files/Foreign_La nguage_Services_(1).pdf.
37 Ang 29 U.S.C. 794d. Seksyon 508 ay inaatasan ang HHS na matugunan ang Mga Gabay sa Madaling Pagsasagawa ng Nilalaman sa Web (Web Content Accessibility Guidelines, WCAG) 2.0 Lebel A at AA para sa nilalaman ng web, kabilang ang mga virtual na pagpupulong na pinangunahan ng HHS. Ang WCAG 2.0 ay koleksyon ng rekomendasyon upang mas ma-access ang nilalaman ng web. Ang WCAG 2.0 ay makikita sa https://www.w3.org/TR/WCAG20/.
38 Ang listahang ito ay hindi kumpleto sa mga pangangailangan ng Seksyon 508 o Seksyon 504.
39 Ang mga halimbawa sa paggawa ng audio at video na media ay matatagpuan dito: https://www.w3.org/WAI/media/av/sign-languages/.
40 Lahat ng tatanggap ng pondo mula sa HHS ay kailangang pumirma sa form na HHS 690 na nagsasaad na sila ay susunod sa mga pederal na batas sa karapatang sibil; Kasama sa Titulo VI at Seksyon 1557 ang mga kinakailangan sa LEP at kabilang sa HHS 690. Gayunpaman, ang mga tumatanggap ng tulong pinansiyal mula sa HHS ay kadalasang hindi lubusang nauunawaan ang kanilang mga obligasyon sa LEP sa ilalim ng mga batas na ito.
41 Ang itinakdang mga tanggapan at opisyal ay kailangang makipag-ugnayan sa ASFR hinggil sa paghahatid na ito.
42 Ang mga tanggapan o opisyal na responsible sa pagpapatupad ng Elemento 10 ay kailangan makipag-ugnayan sa tanggapan o opisyal na responsible sa pagpapatupad ng Elemento 7.