Media Inquiries
For general media inquiries, please contact media@hhs.gov.
An official website of the United States government
Here’s how you know
Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.
Secure .gov websites use HTTPS
A lock () or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.
Noong Nobyembre 2023, ang US Department of Health and Human Services (HHS) ay sumama sa mga ahensya sa buong pederal na pamahalaan sa pagbibigay ng priyoridad sa pakikipag-ugnayan sa mga serbisyo nito sa publiko sa pamamagitan ng paglalathala ng Plano sa Access sa Wika (Language Access Plan) nito sa buong departamento. Sa paglabas ng plano nito, gumawa ng napakalaking hakbang ang HHS patungo sa pagtitiyak na ang mga taong may limitadong kasanayan sa English (Limited English Proficiency, LEP) at ang mga taong may kapansanan ay may higit na access sa ibinibigay nitong mga serbisyong makakapagligtas ng buhay.
Ngayon, sa kasagsagan ng pagsisikap na ito, at bago ang ika-24 na anibersaryo ng Executive Order 13166 na, "Pagpapabuti sa Access sa Mga Serbisyo para sa mga Taong may Limitadong Kasanayan sa English," inilabas ng Departamento ang mga plano sa access sa wika na partikular sa divison. Itong pagsisikap na ito ng halos lahat ng operating at staff division ng HHS ay naglalarawan ng dedikasyon ng Departamento na magbigay ng accessible, naaangkop sa kultura at lingguwistika, at komprehensibong serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan at pantao.
"Ang pag-aalis ng mga hadlang na pumipigil sa mga tao para ma-access ang mga suportang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan at pantao ay isa sa aming pinakamataas na priyoridad," sabi ni HHS Secretary Xavier Becerra. "Patuloy na pinapalawak ng HHS ang pag-access, kabilang ang access sa wika, upang matanggap ng lahat ang tulong na kailangan at nararapat para sa kanila. Bukod pa sa aming plano sa buong departamento, na inilabas namin noong nakaraang taon, ang bawat indibidwal na division sa loob ng HHS ay bumuo ng kanilang sariling mga layunin at plano na naglalayong higit pang palawakin ang access. Ang dedikasyon ng Administrasyong Biden-Harris kaugnay sa pagkakapantay-pantay at pagiging ingklusibo ay nananatiling matatag at umaabot sa bawat bahagi ng gawaing ginagawa ng HHS araw-araw para sa mga Amerikano."
"Ngayon, ipinagdiriwang namin ang isang makabuluhang milestone habang ipinagmamalaki naming ihayag ang na-update na Mga Plano sa Access sa Wika para sa lahat ng HHS. Ang mga planong ito ay sumasalamin sa aming walang humpay na dedikasyon kaugnay sa pagkakapantay-pantay sa pag-access sa mga serbisyong pangkalusugan at pantao, tinitiyak na magagamit at maa-access ng mga indibidwal ang pangangalaga sa kanilang katutubong wika, at epektibong komunikasyon para sa mga taong may kapansanan," sabi ni Melanie Fontes Rainer, Direktor ng HSS Office for Civil Rights at Tagapangulo ng Komite sa Pangangasiwa ng Access sa Wika ng HHS (HHS Language Access Steering Committee). "Patunay ito ng aming patuloy na dedikasyon upang matiyak na ang lahat ng indibidwal sa buong bansa, anuman ang wika o kakayahan, ay makaka-access sa mahahalagang serbisyo at impormasyong kailangan nila sa pangangalagang pangkalusugan."
Pinangunahan ng Komite sa Pangangasiwa ng Access sa Wika sa buong Departamento, na pinamamahalaan ng HHS Office for Civil Rights, ang mga sumusunod na bahagi ng Departamento ay nakabuo ng mga komprehensibong plano sa access sa wika:
Mahahanap ang na-update na 2023 Plano sa Access sa Wika ng HHS sa iba't ibang wika, mga Plano sa Access sa Wika na partikular sa division ng HHS, at karagdagang sanggunian sa www.hhs.gov/lep.
Xavier Becerra, HHS Secretary
"Ang pag-aalis ng mga hadlang na pumipigil sa mga tao para ma-access ang mga suportang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan at pantao ay isa sa aming pinakamataas na priyoridad. Patuloy na pinapalawak ng HHS ang pag-access, kabilang ang access sa wika, upang matanggap ng lahat ang tulong na kailangan at nararapat para sa kanila. Bukod pa sa aming plano sa buong departamento, na inilabas namin noong nakaraang taon, ang bawat indibidwal na division sa loob ng HHS ay bumuo ng kanilang sariling mga layunin at plano na naglalayong higit pang palawakin ang access. Ang dedikasyon ng Administrasyong Biden-Harris kaugnay sa pagkakapantay-pantay at pagiging ingklusibo ay nananatiling matatag at umaabot sa bawat bahagi ng gawaing ginagawa ng HHS araw-araw para sa mga Amerikano."
Jeff Hild, Principal Deputy Assistant Secretary para sa mga Bata at Pamilya (ACF) at Acting Assistant Secretary para sa mga Bata at Pamilya
"Ang Administrasyon para sa mga Bata at Pamilya (ACF) ay patuloy na kumikilos upang madagdagan ang access sa aming mga programa at ipinagmamalaki namin ang pagpapatupad ng mahalagang na-update na Plano sa Access sa Wika ng HHS. Ang pagpapatupad ng mahalagang planong ito ay nagpapakita ng aming patuloy na dedikasyon sa dibersidad, pagkakapantay-pantay, ingklusyon, at accessibilit sa mahigit sa 60 programa at serbisyo ng ACF sa mga bata, kabataan, pamilya, komunidad at mga grantees sa buong bansa."
Si Alison Barkoff, Nakatataas na opisyal na nagsasagawa ng mga tungkulin ng Administrator ng Administrasyon para sa Pamumuhay sa Komunidad at Assistant Secretary para sa Pagtanda (ACL)
"Nakatuon ang ACL sa pagtitiyak na ma-access ng lahat ng mas nakatatandang may sapat na gulang at mga taong may kapansanan ang mga programa at serbisyong pinopondohan namin. Mahalagang bahagi ng dedikasyong iyon ang pagkakaroon ng impormasyon sa iba't ibang wika at format, kabilang ang sign language at format na Madaling Basahin na mas accessible sa mga taong may intelektwal na kapansanan at taong may limitadong kasanayan sa pagbabasa ng Englis."
Dawn O'Connell, Assistant Secretary para sa Paghahanda at Tugon (ASPR)
"Puwedeng mangyari ang mga sakuna kahit saan sa Estados Unidos at nakakaapekto sa kahit na sino. Hindi kailanman dapat maging hadlang ang wika sa paghahanap at pagtanggap ng suportang kailangan para tumugon sa at bumangon mula sa isang emergency. Ang pagbibigay ng mga serbisyo sa access sa wika at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa lahat, kabilang ang mga taong may limitadong kasanayan sa English, ang magpapatibay sa kakayahan ng ating bansa na maghanda, tumugon, at bumangon mula sa mga sakuna. Ipinapahiwatig ng Plano sa Access sa Wika ng ASPR ang 24 na taon ng progreso mula nang nilagdaan ang Executive Order 13166, at ito ang gagabay sa ASPR sa pagtitiyak na nagbibigay kami ng makabuluhang access sa lahat ng aming mga programa at serbisyo."
Dr. Bob O. Valdez, Direktor, Ahensya para sa Pananaliksik at Kalidad ng Pangangalagang Pangkalusugan (AHRQ)
"Habang patuloy na mas lalong nagkakaiba ang mga populasyon ng pasyente, mahalagang pagtuunan ng iba't ibang uri ng organisasyon sa pangangalagang pangkalusugan ang pagbuo ng mga plano sa access sa wika upang epektibong makipag-ugnayan sa kabuuan ng dibersidad ng ating bansa at antas ng literacy sa kalusugan para matiyak ang paghahatid ng de-kalidad na pangangalagang nakasentro sa pasyente. Ipinagmamalaki ng AHRQ na maging partner sa Plano sa Access sa Wika ng HHS at sa ika-24 na anibersaryo ng Executive Order 13166. Ang pagtuon ng AHRQ sa paglikha ng mga tool at sangguniang nagtataguyod ng ingklusyon ng mga indibidwal na may limitadong kasanayan sa English sa pananaliksik ay nakakatulong sa pagsulong ng pag-aaral ng literacy sa kalusugan at ang paglupig sa malaking agwat sa pagtrato kaugnay sa pangangalaga. Higit sa lahat, hinihikayat nito ang pagbibigay ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na tumutugon sa magkakaibang preperensya sa kultura at wika ng ating bansa, na humahantong sa mas mahusay na mga resulta sa pangangalaga."
Cheryl R. Campbell, Assistant Secretary para sa Administrasyon (ASA)
"Ipinagmamalaki ko ang aming patuloy na dedikasyon sa Executive Order 13166 at sa pagtitiyak na puwedeng ma-access ng sinumang Amerikanong nangangailangan ng mga serbisyo ng HHS, anuman ang kanilang pangunahing wika. Napakahalagang bahagi ng aming Plano sa Access sa Wika upang mapalakas ang loob ng mga indibidwal na ganap na makilahok sa kanilang pangangalagang pangkalusugan at maipamalas ang dedikasyon ng HHS na paglingkuran ang ating mga komunidad nang pantay-pantay."
Lisa Molyneux, Principal Deputy Assistant Secretary para sa mga Pinansyal na Sanggunian (ASFR), ang nagsasagawa ng mga maitatalagang tungkulin ng Assistant Secretary para sa mga Pinansyal na Sanggunian
"Ang pagbibigay ng makabuluhang access sa wika sa impormasyon ay napakahalaga sa pagsulong ng mga pagsisikap ng pagkakapantay-pantay ng HHS. Ang Plano sa Access sa Wika ng HHS ay lumilikha ng isang roadmap upang epektibong makipag-ugnayan sa mga magkakaibang komunidad na umaasa sa aming mga programa, at ang nagtitiyak na patuloy kaming natututo mula sa datos at mga sanggunian at isinasaalang-alang ang mga ito upang tugunan ang mga natukoy na hadlang."
Melanie Egorin, Ph.D., Assistant Secretary para sa kaugnay Batas (ASL)
"Ang mas malawak na access sa wika ay nangangahulugan ng mas epektibong pakikipag-ugnayan ng mga makakapagligtas ng buhay na priyoridad ng HHS para sa mga nasasakupang pinaglilingkuran ng bawat miyembro ng Kongreso. Ito rin ang batas. Ito ang dahilan kung bakit nagsasagawa ang aming plano ng mahahalagang hakbang upang madagdagan ang access para sa mga taong may limitadong kasanayan sa English sa aming gawain, kabilang ang impormasyon tungkol sa mga mahalagang programa ng HHS at sanggunian ng pampublikong kalusugan."
Rebecca Haffajee, JD, Ph.D., MPH, Principal Deputy Assistant Secretary para sa Pagpaplano at Pagsusuri (ASPE)
"Sa ika-24 na anibersaryo ng Executive Order 13166, ang 'Pagpapabuti sa Access sa mga Serbisyo para sa mga Taong may Limitadong Kasanayan sa English,' ipinagmamalaking inihahandog ng Tanggapan ng Assistant Secretary para sa Pagpaplano at Pagsusuri (ASPE) ang aming Plano sa Access sa Wika. Muling pinagtitibay ng Plano ng ASPE ang layunin ng Departamento na tiyaking mayroong makabuluhang access ang bawat indibidwal sa mga programa at serbisyo ng HHS, sa pamamagitan ng dedikasyon ng ASPE na gawing accessible ang aming mga publikasyon at pampublikong pagpupulong sa mga taong may limitadong kasanayan sa English (LEP) at yaong may kapansanan sa pandinig, pandinig, pananalita at iba pang kapansanan. Ang pangunahing kontribusyon ng ASPE sa mga center ng mga serbisyo sa wika sa paligid ay ang pagsasagawa ng mga pag-aaral upang matukoy at mabalangkas ang mga estratehiya para malabanan ang mga hadlang sa access sa wika."
Jeff Nesbit, Assistant Secretary para sa mga Gawaing Pampubliko (ASPA)
"Nagsasagawa ang ASPA ng mga hakbang upang tulungang suportahan ang Departamento sa gawain nitong palawakin ang access sa mga serbisyo ng HHS. Bahagi ito ng pangkalahatang dedikasyon ng HHS na protektahan ang mga karapatan ng mga indibidwal na ma-access ang may kalidad na pangangalagang pangkalusugan at mahahalagang serbisyong pantao. Ang aming Plano ng Pagkilos kaugnay sa Wika ay iniangkop sa aming natatanging responsibilidad sa loob ng Tanggapan ng Secretary – lalo na upang matulungan ang lahat ng iba pang division para itaguyod ang kanilang mga patakaran at programa. Habang patuloy kaming nagbabago bilang isang division, pananatilihin naming na-update ang aming mga plano upang matiyak na ginagawa namin ang aming makakaya sa paglilingkod sa mga Amerikano."
Dr. Mandy Cohen, Direktor para sa mga Center para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit (CDC) at ang Administrator ng Ahensya para sa Registry ng mga Toxic na Substance at Sakit (ATSDR)
"Ikinalulugod kong i-anunsyo ang bagong Plano sa Access sa Wika ng CDC sa 2024 bilang bahagi ng mas malaking inisyatiba ng Access sa Wika ng HHS sa 2024. Ang pagtitiyak na available sa lahat at nasa kanilang piniling wika ang aming impormasyong makakapagligtas ng buhay ay napakahalaga sa aming misyong protektahan ang kalusugan at pagpapabuti ng buhay. Nakatuon ang CDC sa pagtitiyak na ang bawat isa sa aming mga programa ay mayroong planong magbigay ng mga serbisyo at sanggunian sa mga paraang maiintindihan ng publiko."
Chiquita Brooks-LaSure, Administrator, Mga Center para sa mga Serbisyong Medicare at Medicaid (CMS)
"Nananatili ang dedikasyon ng CMS na tiyaking ang mga taong pinaglilingkuran ng aming mga programa ay may access sa kritikal na pagsaklaw ng pangangalagang pangkalusugan at impormasyon na ibinibigay ng aming ahensya. Mas sensitibo kami sa mga pangangailangan ng mga may limitadong kasanayan sa English at yaong may mga kapansanan. Patuloy ang among ginagawang pagpapalawak ng aming mga pagsisikap upang mas maraming tao ang makaunawa sa kanilang mga opsyon at upang ma-access ang de-kalidad at abot-kayang pagsaklaw ng pangangalagang pangkalusugan."
Ang Kagalang-galang na si Constance B. Tobias, Tagapangulo, Lupon ng mga Departamentong Apela
"Kasama sa dedikasyon ng DAB sa patas at walang kinikilingang paglutas ng hindi pagkakaunawaan ang pag-aalis ng mga hadlang sa access sa wika, upang mabigyan ang partido ng karapatang makabuluhang lumahok sa proseso."
Robert M. Califf, MD, Commissioner, Administrasyon para sa Pagkain at Gamot
"Partikular na mahalaga para sa gawaing ginagawa namin sa FDA ang pagbibigay ng mga sanggunian at serbisyo para sa access sa wika. Ang pagbabawas ng mga hadlang sa wika ay puwedeng makatulong na mapabuti ang mga resulta ng pampublikong kalusugan at madagdagan ang tiwala at transparency. Nakatuon ang FDA sa pagbibigay ng impormasyon ng mamimili sa maraming wika, at sa pagtulong sa mga mamimili, kabilang ang mga taong may limitadong kasanayan sa English at mga taong may kapansanan, na gumawa ng mga desisyon batay sa impormasyon tungkol sa kanilang kalusugan at kaligtasan."
Carole Johnson, Administrator, Administrasyon ng mga Sanggunian at Serbisyo sa Kalusugan (HRSA)
"Sinusuportahan ng HRSA ang pantay-pantay na access sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga komunidad na may pinakamataas na pangangailangan, at napakahalaga para sa amin na maabot ang milyon-milyong taong pinaglilingkuran namin na nakakapagsalita ng wikang hindi English. Iyon ang dahilan kung bakit inilunsad namin kamakailan ang isang bagong programa ng gawad upang sanayin ang mga doktor at assistant ng doktor sa pagbibigay ng angkop na pangkultura at panlinggwistikang pangangalaga para sa mga indibidwal na may limitadong kasanayan sa English at kung bakit kami nagsimulang mag-alok ng karagdagang $5,000 sa pagbabayad ng pautang sa lahat ng kalahok sa National Health Service Corps Loan Repayment Program na maaaring magpakita ng kahusayan sa Espanyol at sa mga taong may dedikasyong magsanay sa isang lugar na may mataas na pangangailangang magbigay ng serbisyo sa mga pasyenteng may limitadong kasanayan sa English. Ngayon, ipinagmamalaki kong ilahad ang na-update na Plano sa Access sa Wika ng HRSA na paghusayin pa ang gawaing ito at tiyaking may access sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga hadlang sa wika para mapakinggan at maintindihan ang bawat pasyente sa bawat komunidad."
Roselyn Tso, Direktor, Serbisyo sa Kalusugan sa India (IHS)
"Ang pagbibigay ng mas malawak na access sa wika sa impormasyon tungkol sa mga programa sa pangangalagang pangkalusugan ng Serbisyong Pangkalusugan sa India at mga serbisyong pampublikong pangkalusugan sa mga miyembro ng mga komunidad ng Tribo ay maaaring mag-ambag sa mas mahuhusay na karanasan sa pangangalagang pangkalusugan, at pinabuting resulta para sa mga Amerikanong Indian at Katutubo ng Alaska sa buong Bansa."
Bertha Alisia Guerrero, Direktor, Intergovernmental External Affairs (IEA)
"Bilang first generation na babaeng anak ng mga imigranteng magulang na hindi nakakapagsalita ng English, nauunawaan ko mismo kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng access sa wika sa ating kalusugan at kagalingan. Sinasalamin nitong na-update na Plano sa Access sa Wika ang dedikasyon ng IEA na alisin ang mga hadlang sa wika na naglilimita sa pantay-pantay na access sa mga programa at sanggunian ng mga serbisyong pangkalusugan at pantao."
Dr. Monica Bertagnolli, Direktor, Pambansang Institusyon sa Kalusugan (NIH)
"Kapag may access sa malinaw at naiintindihang impormasyong pangkalusugan ang mga pasyenteng may limitadong kasanayan sa English, nahihikayat silang gumawa ng mga desisyon batay sa impormasyon tungkol sa kanilang kalusugan, na humahantong sa mas mahuhusay na resulta at pinabuting kagalingan. Nakatuon ang NIH sa pagbibigay ng malinaw at accessible na impormasyon sa kalusugan at agham upang puwedeng makinabang ang lahat mula rito."
Admiral Rachel Levine, Assistant Secretary para sa Kalusugan (OASH)
"Ang access sa wika ay mahalaga para sa pagpapabuti ng kalusugan at kagalingan para sa lahat. Sa HHS, nakatuon kami sa pagpapatupad ng mga patakaran, kasanayan, at programa na binibigyang priyoridad ang agham, inobasyon, at edukasyon upang isulong ang panlipunang katarungan at pagkakapantay-pantay."
Melanie Fontes Rainer, Direktor, Tanggapan para sa mga Karapatang Sibil (OCR), at Tagapangulo, Komite sa Pangangasiwa ng Access sa Wika ng HHS
"Ngayon, ipinagdiriwang namin ang isang makabuluhang milestone habang ipinagmamalaki naming ihayag ang na-update na Mga Plano sa Access sa Wika para sa lahat ng HHS. Ang mga planong ito ay sumasalamin sa aming walang humpay na dedikasyon kaugnay sa pagkakapantay-pantay sa access sa mga serbisyong pangkalusugan at pantao, tinitiyak na magagamit at maa-access ng mga indibidwal ang pangangalaga sa kanilang katutubong wika, at epektibong komunikasyon para sa mga taong may kapansanan. Patunay ito ng aming patuloy na dedikasyon upang matiyak na ang lahat ng indibidwal sa buong bansa, anuman ang wika o kakayahan, ay makaka-access sa mahahalagang serbisyo at impormasyong kailangan nila sa pangangalagang pangkalusugan."
Loyce Pace, Assistant Secretary para sa mga Pandaigdigang Gawain (OGA)
"Sa padiriwang namin ng ika-24 na anibersaryo ng Executive Order 13166, na nag-uutos na magkaroon ng pinabuting access sa mga serbisyo para sa mga indibidwal na may limitadong kasanayan sa English, muling pinagtibay ng Tanggapan ng mga Pandaigdigang Gawain ang dedikasyon nito sa mahalagang layunin na ito. Sa aming lumalaking magkakaugnay na mundo, napakahalaga ng epektibong pakikipag-ugnayan para sa mga pandaigdigang serbisyong pangkalusugan at pantao. May mahalagang papel ang aming mga Plano sa Access sa Wika sa OpDiv/StaffDiv para mabuwag ang mga hadlang sa wika, at tiyaking maa-access ng lahat ang mahahalagang serbisyong kailangan nila anuman ang kanilang wika. Sa pagtataguyod ng pagiging ingklusibo sa wika, napapatibay namin ang aming pandaigdigang pakikipagtulungan at naisusulong ang aming parehong layunin na magkaroon ng mas malusog, mas pantay-pantay na mundo para sa lahat."
Rear Admiral Felicia Collins, Deputy Assistant Secretary para sa Kalusugan ng Minorya at Direktor, Tanggapan ng Kalusugan ng Minorya (OMH)
"Ang pag-aalis ng mga malaking agwat sa etnikong pangkalusugan sa buong bansa ay nag-aatas sa amin na tukuyin at alisin ang mga hadlang sa access sa pangangalagang pangkalusugan, at wika ang isa sa naturang hadlang na iyon. Ipinapakita ng bagong Plano sa Access sa Wika ng OMH ang aming dedikasyon sa pagkakaroon ng mga naaaksyunang estratehiya para sa pagbibigay ng makabuluhang access sa wika sa loob ng aming mga programa at sanggunian. Patuloy na itataguyod ng OMH ang makabuluhang access sa wika bilang isang kritikal na bahagi para sa pagpapabuti ng mga resulta sa kalusugan para sa mga indibidwal na may limitadong kasanayan sa English."
McArthur Allen, Punong Hukom ng Administratibong Batas, Tanggapan ng mga Pagdinig at Apela sa Medicare (OMHA)
"Ipinagmamalaki naming ihandog ang Plano sa Access sa Wika ng OMHA bilang pagsulong sa karaniwang misyon ng Departamento at OMHA na mapabuti ang access para sa mga taong may limitadong kasanayan sa English. Ngayon, nagsasagawa kami ng isa pang mahalagang hakbang sa paghubog ng pangangalagang pangkalusugan sa Amerika sa pamamagitan ng pagtitiyak na pantay-pantay na nalalapat sa lahat ng taong pinaglilingkuran namin ang mga pamantayan ng OMHA para sa patas, mapagkakatiwalaan, at napapanahong paghuhusga."
Micky Tripathi, Ph.D., MPP, Pansamantalang Kalihim para sa Patakaran sa Teknolohiya at Pambansang Tagapag-ugnay para sa Teknolohiya ng Impormasyon sa Kalusugan (ASTP/ONC)
"Mahalagang salik sa pagkakapantay-pantay sa kalusugan ang access sa wika - ang mga hadlang sa wika ang naglilimita sa access at pag-unawa ng isang tao sa mga mahalagang impormasyon at serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan, at naglilimita sa kakayahan ng isang tao na gumawa ng mga desisyon kaugnay sa pangangalagang pangkalusugan para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya. Sa pag-update ng aming Plano sa Access sa Wika (LAP), inaasahan naming mapapatibay namin ang aming mga programa sa IT sa kalusugan at mga inisyatibo sa patakaran sa pamamagitan ng pagtitiyak na available ang mga ito at nauunawaan ng lahat, kabilang ang mga taong may limitadong kasanayan sa English (LEP) at mga taong may kapansanan."
Miriam E. Delphin - Rittmon, Ph.D., Assistant Secretary para sa Kalusugang Pangkaisipan at Substance Use (SAMHSA)
"Pundasyon ng pagkakapantay-pantay ang access sa wika, na naghihikayat sa amin na matugunan ang mga pangangailangan ng magkakaibang komunidad ng ating bansa. Ang planong ito ang magtutuon ng aming pansin sa pagdaragdag ng access para sa mga populasyong hindi nakakatanggap ng sapat na serbisyo sa kanilang mga piniling wika sa mga programa na nagtataguyod ng kalusugang pangkaisipan, maiwasan ang maling paggamit ng substance, at magbigay ng mga paggamot at suporta upang maitaguyod ang pagbangon."
Kung naniniwala kang nakaranas ka o ang ibang partido ng diskriminasyon batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, edad, relihiyon, kapansanan, o konsensya, puntahan ang portal ng OCR para sa reklamo upang maghain ng reklamo online sa: https://www.hhs.gov/civil-rights/filing-a-complaint/index.html.
Para sa tulong, makipag-ugnayan sa Tanggapan para sa mga Karapatang Sibil sa tel (800) 368-1019, Walang bayad na TDD: (800) 537-7697, o sa pamamagitan ng pag-email sa OCRMail@hhs.gov.
Receive the latest updates from the Secretary, Blogs, and News Releases
For general media inquiries, please contact media@hhs.gov.
For more information on HHS's web notification policies, see Website Disclaimers.